Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pinakahuling mambabatok na si Apo Whang Od, kilalanin sa 'Front Row'


“Pamana ni Apo Whang-Od”
February 20, 2017
Pagkatapos ng Saksi sa GMA

Tinaguriang “Ang Huling Mambabatok” ang 97 taong gulang na si Apo Whang-Od. Siya ang pinakamatandang nagta-tattoo ng tinatawag na pagbabatok.

Malalim ang kasaysayang pinagmulan ng kultura ng pagbabatok sa tribong “Butbut” sa Kalinga. Minsan itong naging marka ng katapangan ng mga kalalakihan, habang simbolo naman ito ng kagandahan ng mga kababaihan. Para kay Apo Whang Od, mahalagang bahagi ito ng kanilang pagkatao na dapat maisalin sa mga susunod na henerasyon.

Ilan sa mga  apo ni Whang-Od  ang nagpapatuloy ng tradisyon ng pagbabatok. Ang sampung taong gulang na si Chessy Ambatang ang pinakabata sa mga bagong mambabatok. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at tradisyunal na pagta-tattoo. 

Unti-unti na ring nakikilala si ang dalawampung taong gulang na si Grace Palicas na unang sumunod sa yapak ni Apo Whang-Od. Nagsilbing inspirasyon din si Apo Whang-Od ng isa pa niyang apo na si Renalyn. Lahat sila’y gumagamit pa rin ng mga bagay mula sa kalikasan para panatilihing buhay ang mayaman nilang kultura.

Tunghayan ang kahanga-hangang “Pamana ni Apo Whang-Od” ngayong Lunes sa Front Row, February 20, 2017, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug