Pag-ibig at gayuma, tatalakayin sa 'Front Row'
Inihahandog ng "Front Row"
"Ginayumang Pag-ibig"
Lunes ng gabi, Feb 13 pagkatapos ng Saksi sa GMA
Naniniwala ka ba sa sinasabing kapangyarihan ng gayuma?
Orasyon, bulong at kandila. Ito raw ang sikreto sa panggagayuma ng 33 taong gulang na si Angela. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagbabasa ng libro, natuto raw siyang gumawa ng gayuma. Ginamit daw ito ng kanyang mga kaibigan at hindi raw ito pumalya.
Si "Cristine," naniniwala raw sa bisa ng gayuma. Hindi raw inakala ni "Cristine" na mahuhulog ang kanyang loob sa live-in partner. Para sa kanya, walang itsura ang kinakasama pero kalauna’y nagustuhan niya ito. Hindi niya raw alam kung bakit may pagkakataong makisig at guwapo ang tingin niya rito.
Hindi inamin ng kinakasama ni "Cristine" na ginayuma niya ang babae. Aminado si "Cristine" na tila malakas ang epekto ng gayuma dahil hindi na raw nawala sa isip niya ang kinakasama.
May bisa nga ba o wala ang gayuma?
Alamin ang iba pang kuwento ng “Ginayumang Pag-Ibig”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, February 13 pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us