Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Babaeng may malaking bukol sa mukha, tampok sa 'Front Row'
May malaking bukol sa bibig at pisngi ang katorse anyos na si Thea. Lumaki ito nang lumaki simula noong dalawang taong gulang pa lang siya. Dahil sa kanyang kalagayan, hirap sa paghinga si Thea. Kaya kinabitan siya ng tinatawag na tracheostomy, isang surgical hole sa leeg para makatulong sa kanyang paghinga.
Solong anak si Thea at mag-isang itinataguyod ng ina. Walang regular na trabaho ang ina ni Thea. Aminado siyang namamalimos sa iba’t ibang organisasyon matustusan lamang ang mga gamot at iba pang pangangailangan ni Thea.
Sa kabila ng kanyang kondisyon, hindi nawawalan ng pag-asa si Thea na gumaling. Nangunguna siya sa klase at pambato rin siya ng eskuwela dahil sa angking talento niya sa pagguhit. Kahit kapos din sa buhay, pursigido si Thea na abutin ang pangarap na maging arkitekto at doktor.
Tuklasin kung paano hinaharap ni Thea upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay sa Front Row, ngayong Lunes ng gabi, December 12 pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Tags: plug
More Videos
Most Popular