Buhay ng mga inang nagtatrabaho sa Navotas Fishport, sisilipin ng 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
"Batilya"
Lunes ng gabi, November 21 pagkatapos ng Saksi
Sa Navotas Fishport, may kanya-kanyang diskarte ang lahat upang makaraos. May mga trabaho pero karamihan ay kadalasang para sa mga lalaki, tulad ng pagkargador o pagbabatilyo, at ang paghihila at pagbubuhat ng mga banyera ng isda.
Sa lugar na kadalasang ginagalawan ng mga lalaki, hindi kasing dali para sa kababaihan ang maghanapbuhay dito. Pero sina Berna, 25, at Maria, 30, dalawang nanay sa Navotas Fishport, pilit nakikibagay para maitawid ang buhay. Parehong hiwalay sa asawa sina Berna at Maria. Kaya naman tumatayo silang ina at ama sa kanilang mga anak habang araw-araw nagbabanat ng buto sa pagbabatilyo.
Sundan ang kanilang kuwento sa Front Row, ngayong Lunes ng gabi, November 21 pagkatapos ng Saksi sa GMA!