Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Batang isinilang na walang kamay, paa, at butas ang bibig, kilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
“Amethyst”
Lunes, October 17 pagkatapos ng Saksi sa GMA
Walang kamay, walang paa at wala ring butas ang bibig. Ito ang kalagayan ng isang sanggol nang siya ay isilang. Tinatawag itong “oromandibular limb hypoplasia” kung saan isa sa bawat limang libong sanggol na ipinapanganak ang maaaring magkaroon nito.
Pinangalanan ng mag-asawang Estrelita at Rolando ang sanggol na Amethyst, isang uri ng bato na ginagamit at inilalagay sa mga alahas. Kayamanan kung ituring nila ang kanilang anak. Sa kabila ng kalagayan ni Amethyst, pinipilit nilang buhayin na parang normal na bata.
Tunghayan ang kuwento ni Amethyst sa Front Row October 17, 2016 pagkatapos ng Saksi sa GMA!
Tags: plug
More Videos
Most Popular