Mga celebrity supporter ni President Rodrigo Duterte, kilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row…
‘DU30’
Lunes, July 4, 2016
Pagkatapos ng Saksi sa GMA
Ilang araw lang matapos ang panunumpa ng bagong pangulo ng bansa na si President Rodrigo Duterte… ihahayag ng kanyang mga kilalang taga-suporta ang kani-kanilang dahilan kung bakit siya ang napili nilang bagong lider ng Pilipinas.
Ang Pinoy music icon na si Freddie Aguilar na kilala sa kanyang makabayang mga awitin at adhikain… isa raw sa nakipaglaban at nanawagan para palayain si dating Senador Ninoy Aquino noong panahon ng Martial law. Mula raw noon, isa siya sa nag-asam ng pagbabago at tanging kay Pangulong Duterte raw niya nasilip ang pag-asang ito. Paborito siyang mang-aawit ng bagong pangulo at mahigit tatlong dekada na rin silang magkaibigan. Noong nakaraang panunumpa ng bagong pangulo sa Malacañang, inawit ni Freddie ang kantang isinulat niya para sa pangulo.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
Ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño, naging aktibo naman sa pagtulong sa mga Lumad sa gitna ng kinaharap nilang karahasan. Tanging kay Pangulong Duterte raw nila nakita ang pagtulong at pagsuporta sa mga marginalized sector gaya ng LGBT kaya naman aktibo silang nangampanya para sa kanya kahit wala itong kapalit na halaga.
Ang matapang na pahayag at plano ng bagong pangulo para labanan ang kriminalidad naman ang naging batayan ni Mocha Uson para suportahan siya. Biktima ng isang madugong krimen ang ama ni Mocha na dating judge sa Pangasinan. Hindi man daw niya nakamit ang hustisya, ayaw niya raw itong maranasan ng iba at alam niyang si Pangulong Duterte ang kayang magbigay ng solusyon sa problemang ito.
Ang actor/tv host namang si Arnel Ignacio pinag-aralan daw mabuti ang ibobotong susunod na pangulo. Pinuntahan daw niya ang campaign sortie ng bawat kandidato.
Bakit nga ba si Pangulong Duterte ang napili nila para sa pinakamataas na posisyon sa bansa?
Alamin ngayong Lunes sa dokumentaryong “DU30” sa Front Row, July 4, 2016, pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us