Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang maninisid ng laman-dagat, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row…
"Isang Sisid, Isang Tuka"

Lunes, May 2, 2016

Pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa malayo at liblib na isla ng Silaki sa Bolinao, Pangasinan tila langgam ang ilang pamilya. Isang buwan na lang kasi, tag-ulan na naman at mahirap pumalaot. Dahil wala silang kabuhayan, kinakailangan nilang makaipon ng sapat bago tuluyang lumipas ang tag-araw.

Ang magkaibigang Maynard, walong taong gulang at Vincent, labing dalawang taong gulang, matiyagang lumalaot sa dagat gamit ang isang maliit na balsa. Kailangan daw nila itong gawin para may ipambili ng bigas.

Matapang silang tumatalon at sumisisid sa dagat para manguha ng shell na kung tawagin nila ay “Didila”. Walang anumang aparato ang mga bata sa pagsisid. Hangga’t kaya ng kanilang hininga… sige lang sila sa pagsisid at pangongolekta.

Ang ilang ina ng tahanan, pagsisid ng seaweed naman ang pinagkakaabalahan. Makaipon kaya sila ng sapat

Panoorin ang dokumentaryong "Isang Sisid, Isang Tuka" ngayong Lunes sa Front Row, May 2, 2016, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug