Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tahanan na nag-aalaga sa 95 pusa at 14 aso, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row : “Siyamnapu't Limang Muning"
February 8, 2016 pagkatapos ng Saksi

 


Taong 2010 nang magsimulang  mag-uwi ng napulot na kuting sa kalye ang pamilya ni Luchie Diaz. Dahil hindi nila matiis na hindi sagipin ang mga nakikita nilang mga inabandonang kuting sa lansangan, umabot na sa ngayon ang bilang ng mga pusang pinoy sa siyamnaput lima. Bagamat may kakayahan sa buhay ang pamilya nina Luchie hindi mga pusang may breed ang kanilang inaalagaan. May sariling yaya ang mga pusang pinoy nina Luchie kung saan dalawang beses sa isang araw pinapakain ang mga pusa at ipinapagamot  sa beterinaryo kapag ito ay may mga sakit. Bukod sa mga pusa may labing tatlong aso rin silang sinagip mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

 


Pinakapon na nina Luchie ang lahat ng kanilang  alagang pusang pinoy. Naniniwala silang ito ang isang paraan para hindi dumami ang mga nakakalat at inabandonang mga pusa sa lansangan. Sa kasalukuyang dami ng pusang pinoy na kanilang inaalagaan, malaking tulong para kina Luchie kung may mga nagnanais  na mag-ampon sa mga alaga nilang pusa.

 


Tunghayan ang iba pang kuwento sa  “Siyamnapu't Limang Muning”, ngayong Lunes, February 8 sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
Tags: plug