Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Front Row
Lalaking may autism, ipamamalas ang galing sa pagbuo ng puzzle
Inihahandog ng Front Row : “Puzzle"
January 11, 2016 pagkatapos ng Saksi
Walang kahirap-hirap niyang binubuo ang mga puzzle. Sa loob ng kinse minuto kaya niyang matapos ang 147 pirasong puzzle na kung ikukumpara sa isang pangkaraniwang tao lalampas pa sa kinse minuto bago ito matapos. Paborito niya rin ang word search kung saan madali niyang nahahanap ang mga letra na bumubuo sa bawat salita. Ito ang mga kakaibang talento ni Jose Canoy, 21 taong gulang na may autism.
Pang-anim sa magkakapatid si Jose at siya lamang ang may autism. Mula nang itayo ng pamilya niya ang Puzzle Café mas lalo raw nabuksan ang pagkakataon na makisalamuha at makipag-usap si Jose sa ibang tao.
Kabilang siya sa labimpitong indibidwal na may special needs na nagsisilbing waiter sa café.
Alamin ang mundo ni Jose sa “Puzzle," ngayong Lunes, January 11 sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular