5 taong-gulang na 'batang pulis,' tampok sa 'Front Row'
Inihahandog ng "Front Row"
Idol Ko si Cop
December 7, 2015, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Namamalengke, naghihiwa ng mga sangkap at nagluluto ng masarap na pagkain. Ito ang nakagawian ng Plaza Miranda Police Community Precinct tuwing Biyernes.
Sinimulan ito ng hepe ng presinto na si Police Chief Inspector John Guiagui noong Agosto bilang bahagi raw ng panata at pasasalamat sa Poong Nazareno. Tuwing Biyernes ng hapon, nagsasagawa sila ng feeding program sa Quiapo na bumubusog sa nasa 200 kataong matiyagang pumipila.

Nang makita ng limang taong gulang na batang si Ezeckiel sa facebook ang larawan ng feeding program... walang pag-aatubili niyang sinabi sa kanyang ina na nais niyang maging bahagi nito. Pangarap ni Ezeckiel na maging isang pulis at mula bata pa ay dinadamitan na rin siya ng asul na uniporme.

Paano nabago ng malasakit at pagtulong sa kapwa ang buhay ng isang paslit?
Huwag palalampasin ang dokumentaryong IDOL KO SI COP sa Front Row - ang itinanghal na 2015 Gold World Medal Awardee bilang Best Public Affairs Program ng prestihiyosong New York Festivals at nagkamit din ng Gold Camera at One World Award sa US International Film and Video Festival. Lunes, December 7, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.