Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Alamin ang sikreto ng mga dog whisperer sa 'Front Row'




“Wala akong agimat at wala akong kapangyarihan, pero kaya kong mapaamo ang isang asong mabangis kahit unang beses pa lang kaming nagkita”. Ito ang karaniwang sagot ng binansagang Pinoy Dog Whisperer na si Lestre Zapanta sa mga nagtatanong sa kanya kung paano niya nagagawang mapasunod sa isang iglap ang mga asong halos ilang taon nang problema ng kanilang mga amo. Kapag napapaamo ni Lestre ang isang mabangis na aso nakikihalubilo na ito sa mga taong dati niyang tinatahulan.



Hindi lang mga asong pure breed na may behavioral problem ang nagagawan niya ng paraan para maitama ang mga nakasanayang maling pag-uugali at pagkilos, maging ang mga aspin o native na aso hindi niya pinalalampas kahit pa nangangagat ang mga ito. Maraming beses na rin siyang nakagat ng aso pero hindi ito naging hadlang para tumigil siya bilang dog behavior expert.


 
Ano nga ba ang sikreto ni Lestre Zapanta? Alamin ang mga kuwento sa “Pinoy Dog Whisperer”, ngayong Lunes, August 10 sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.