Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang ginintuang boses ng isang batang may hydrocephalus, tampok sa 'Front Row'


Bujane Bituin



Labing apat na taong gulang na si Bujane Bayan, tubong San Pablo City. Mahilig siyang kumanta at pangarap niyang maging singer o artista. Sa murang edad ni Bujane, ilang beses nang nataningan ang kanyang buhay. Ipinanganak kasi siyang may hydrocephalus, isang uri ng sakit kung saan lumalaki ang ulo ng batang pasyente dahil ditto naiipon ang tubig

Bagamat ilang beses na ring naoperahan, hindi na lubusang umimpis ang laki ng ulo ni Bujane. Sa pinakahuling operasyon niya noong 2011, nilagyan ng mga doktor ng tubo ang kanyang ulo na tumatagos hanggang sa kanyang pantog. Ito ay upang hindi maipon muli ang tubig sa kanyang ulo. Dahil sa kasalatan sa buhay. Hindi na nagagawang kumunsulta muli ni Bujane sa ospital. Hindi rin nila mabili ang gamot na dapat ay regular niyang iniinom araw araw.



Magsasaka ang kanyang Tatay. Pero minsan lang sa tatlong buwan siya nagkakatrabaho. Ang kanyang ina naman, dahil sa kahirapan ay sumubok na magtrabaho bilang kasambahay sa Abu Dhabi. Pero kinailangan niyang umuwi nang mamatay ang kaniyang ina ilang buwan pa lang ang nakakaraan. Nagtatrabaho siya bilang janitress sa Maynila pero natanggap siya sa trabaho ng minsan mahilo. Dito na siya na-diagnose na may sakit na leukemia.



Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan, si Bujane raw ang pinakamagandang nangyari sa kanilang buhay. Siya raw ang star o bituin ng kanilang bahay. Tunghayan ang kanilang kuwento sa GMA-7 ngayong Lunes nang gabi sa Front Row pagkatapos ng Saksi.