Diskriminasyon sa mga Aeta, tatalakayin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
“Kapag Maputi na Sila”
Lunes, June 22 pagkatapos ng Saksi sa GMA
Tulad ng karamihan, pangarap ng mga katutubong Aeta sa Porac, Pampanga ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay.
Pero dahil umano sa lumalalang diskriminasyon dala ng kanilang kulay at anyo, nahihirapan daw ang mga taga-rito na marating ang kanilang mga pangarap.
Kaya naman ang naisip na solusyon ng ilang kakababaihan sa kanilang lugar –subukang magpaputi at magpaunat ng buhok. Sa pamamagitan ng mga sabong pampaputi, pagpunta sa parlor at iba pang pamamaraan, ang mga ito raw ang kanilang nakikitang solusyon para mas maging tanggap sa lipunan.
Abangan ang dokumentaryong “Kapag Sila’y Maputi Na” ng Front Row – ang itinanghal na Gold Camera Award Winner sa 2015 US International Film and Video Festival, ngayong Lunes, June 22 pagkatapos ng Saksi sa GMA!