Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kilalanin ang mga kawal ni Rizal, ngayong Lunes sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row : “Kawal ni Rizal”
May 11, 2015 pagkatapos ng Saksi



Sa buong Pilipinas tanging ang monumento lamang ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa Luneta ang may mga sundalong araw-araw na nagbabantay mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi, umulan man o umaraw. Sinong mag-aakala na ang mga sundalong ito ay mula sa Philippine Marine Corps’ Marine Security and Escort Group na sumabak muna sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng Muslim sa Mindanao bago nadestino sa Luneta. Bitbit ang kanilang M1 garand rifle dalawang sundalo ang nakatalaga sa bantayog kada dalawang oras.



Ang 38 years old na si Staff Sergeant Jonar Tenepere labinlimang taon nang nasa serbisyo bilang Marines. Labing isang taon sa Mindanao at apat na taon naman sa pagbabantay sa bantayog ni Rizal. Hindi lahat ng Marines ay nakakapag-duty sa bantayog, bukod sa may mga requirements na dapat sundin, pinipili rin sila ng pamunuan ng Marines.



Bagamat hindi biro ang pagiging honor guard ni Sergeant Tenepere suportado pa rin siya ng kanyang asawa at apat na anak na nasa Pangasinan. At kahit kalaban ni Sergeant Tenepere sa kanyang trabaho ang init ng araw, buhos ng ulan, pangangalay at ang ilang pangungutyang naririnig nila habang nagdu-duty, proud pa rin siya sa kanyang pagiging honor guard dahil hindi raw lahat nabibigyan ng pagkakataon na magbantay at magbigay pugay sa ating pambansang bayani.
 
Alamin ang iba pang kuwento sa “Kawal ni Rizal”, ngayong Lunes, May 11 sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA7.