Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Tuklasin ang misyon ni Jeffrey, isang polio survivor, ngayong Lunes sa 'Front Row'
“Bisikleta ni Jeffrey”
April 20, 2015, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Katorse anyos nang dapuan ng sakit na polio si Jeffrey. Dahil salat sa buhay, hindi nila nagawang ipatingin ang kanyang kalagayan. Ngayon, hindi na pantay ang mga paa ni Jeffrey. Maliit at payat ang kaniyang kanang binti at paa.

Sa kabila nito, hindi nawala ang pagkahilig niya sa pagbibisikleta. At sakay ng kaniyang bisikleta, may misyon si Jeffrey. Sa mga lansangan sa Metro Manila at karatig-probinsiya, umiikot siya para sa mga kabataan at pulubi na nasa lansangan. Linggo-linggo, namimigay siya ng mga damit at nagpapakain sa kanila.

Hindi pa rin marangya ang buhay ni Jeffrey. Sa edad na trenta, may asawa na siya ngayon at isang anak. Sapat lamang ang kinikita ng kanyang asawa para sa kanilang pamilya. Pero patuloy si Jeffrey sa pagtulong sa mga kabataan at mga palaboy sa kalsada.

Handog ng Front Row - ang itinanghal na 2015 Gold World Medal Awardee bilang Best Public Affairs Program ng prestihiyosong New York Festivals, ang kuwento ng “Bisikleta ni Jeffrey” ngayong Lunes, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

More Videos
Most Popular