Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Sabayan natin ang paglangoy sa buhay ni Jonalyn, sa 'Front Row'

Ipinanganak na putol ang mga braso at paa si Jonalyn Hernando, sampung taong gulang.
Sa kabila ng kapansanan, hindi ito naging hadlang para maging isang magaling na swimmer si Jonalyn.


Noong nakaraang taon, siya ay nanalo ng gintong medalya sa swimming competition sa Paralympics. Simula noon, mas lalo pang nagpursige ni Jonalyn na ipagpatuloy ang paglaban sa mga kompetisyon.

Naniniwala siyang hindi hadlang ang kapansanan upang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Ngayong Lunes, sundan ang paglangoy ni Jonalyn tungo sa pag-abot sa kaniyang mga pangarap, sa Front Row, pagkatapos ng Saksi sa GMA!
Ngayong Lunes, sundan ang paglangoy ni Jonalyn tungo sa pag-abot sa kaniyang mga pangarap, sa Front Row, pagkatapos ng Saksi sa GMA!
More Videos
Most Popular