Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpupugay sa mga Tagaligtas, handog ng 'Front Row' ngayong Lunes



 
Tagaligtas ang bansag sa Special Action Force ng Philippine National Police, ang inatasang tagasupil sa anumang banta ng seguridad at tagapangalaga sa kaligtasan ng sambayanan. Handang lumaban at mamatay para sa bayan.


Ito ang pinatotohanan ng apatnapu’t apat na nasawing miyembro ng Special Action Force. Hanggang sa huli, inialay nila ang kanilang buhay sa ngalan ng sinumpaang tungkulin. Sa ipinamalas nilang katapangan, bayani nga raw silang maituturing. Pero para sa mga naiwan nilang mahal sa buhay, sigaw nila ang katarungan at katotohanan.


Bagong kasal sina PO3 John Lloyd Sumbilla at misis na si Rachel. Hindi matanggap ni Rachel na walang amang magigisnan ang isisilang niyang panganay na anak.


Dalawang maliliit na supling naman ang naiwan ni PO1 Oliebeth Viernes. Hinagpis at pangungulila ang nararamdaman ng asawang si Virgie. Hindi tiyak kung paano niya bubuhayin ang dalawang anak.


Paano makakabangon silang mga naulila ng mga “Tagaligtas”? Sundan ang kanilang kuwento sa pagtatanghal ng Front Row ngayong February 9, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA 7!
Tags: prstory