Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Front Row: Kulam


Lunes, October 20, pagkatapos ng SAKSI

Naniniwala ka ba sa kulam?






Noong una'y maliit na pantal lamang ito sa kaniyang ilong na nagmula raw sa kagat ng insekto. Ito ay namaga at unti-unting lumaki hanggang mapuno ang kaniyang buong mukha. Ngayon, halos wala nang makita sa mukha ni Pio dahil sa laki ng mga bukol at sugat.
 
"Sa aking paniniwala, itong aking sakit ay hindi normal. Abnormal. Ako raw ay nakulam ng pamahid sa aking mukha." Kulam ang paniwala ni Pio na dahilan sa kalbaryong pitong buwan na niyang iniinda. At ang kaniya ring takbuhan upang hingan ng tulong - isa rin daw mangkukulam.



Siya si “Mang Senyor”.  Gamit ang mga manikang itim, kinukulam daw ni “Mang Senyor” ang mga taong nakaaway o nakainggitan ng kaniyang mga parokyano. Pero isa rin daw manggagamot si “Mang Senyor”. At ginagamot daw niya maging ang mga taong nakulam o nabarang  tulad ni Pio.
 
Sa 2-part Special Episodes ng Front Row, alamin ang katotohanan sa misteryong kinakaharap ni Pio at tuklasin ang sinasabing kapangyarihang taglay ng kulam.
 
‘Wag palampasin ang dokumentaryong “KULAM” ng Front Row sa Lunes, October 20 at October 27, pagkatapos ng Saksi sa GMA!