Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga 'Deboto' ng Itim na Nazareno, tampok sa 'Front Row'


AIRING DATE: January 11, 2014
AIRING TIME: 9:45 PM




Para sa mga naniniwala, walang paliwanag ang kailangan.  At sa mga hindi naniniwala, walang paliwanag ang sasapat. May mga nagsasabing natutupad ang kanilang hiling, mayroon ding hindi. May himala nga ba o wala mula sa Itim na Nazareno?
 
Dalawang dekada nang deboto ng Poong Nazareno si Karen Valerio simula ng magkaroon ng cerebral palsy ang anak na si Ian. Halos lantang gulay daw ang bata noon. Pero paniwala niya, matapos siyang mamanata sa Itim na Nazareno, unti-unting bumuti ang lagay ng anak. Pagkakaligtas naman mula sa isang malagim na aksidente ang nagtulak kay Marisa Cawoili na maging deboto ng Itim na Nazareno. Taong 1996 nang aksidenteng kainin ng motor ng bangka ang bahagi ng kanyang ulo. Para sa kanya, himala siyang nakaligtas dahil sa Mahal na Poon. Pero sa kabila ng puspusan niyang pananampalataya,  nawala sa kanyang buhay ang asawa dahil sa sakit. Sa kabila nito, tuloy si Marisa sa panata sa Itim na Nazareno.

Tunghayan ang iba’t ibang kuwento ng mga “DEBOTO” ngayong Sabado, January 11, 2014 sa Front Row 9:45pm sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug