Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Elemento: Mga kathang kapupulutan ng aral sa tunay na buhay
Itim ang kanyang pangalan, ngunit namumuti naman sa kabutihan ang kanyang kalooban.
Â
Tampok sa pangalawang episode ng âElementoâ ang kuwento ng kapreng naninirahan sa puno ng mangga malapit sa kagubatan ng Barangay San Benito.
Â
Kagaya ng mga kuwento sa atin ng ating mga lolo at lola, nakakatakot din ang hitsura ni Itimâmalaki at mala-higante, mabalahibo at maitim ang balat, malaki at bilugan ang mga namumulang mata, at humihithit ng tabako.
Â
Ngunit kinatatakutan man ang kanilang panlabas na kaanyuan, isang pagpapatunay si Itim na malayung-malayo dito ang kanilang kalooban.
Â
Sa katunayan, si Itim ang nagsisilbing tagapangalaga at tagapagbantay ng San Benito, hindi lamang ng kagubatan ngunit pati na rin ng taumbayan.
Â
Tagapagtanggol ng kalikasan
Â
Inaalagaan ni Itim ang mga punong mangga na pinagkukuhanan ng pagkain at kabuhayan ng mga taga-San Benito. Nang minsang salantahin ng kalamidad ang bayan noong unang panahon, naging malaking tulong din ang mga punong inalagaan ni Itim upang harangan ang malalakas na hangin at ulan.
Â
Â
Â
Nang minsang sunugin ng mga tao ang punong tinitirhan ni Itim, matagal-tagal din siyang hindi nagparamdam sa San Benito. Ngunit nabulabog ang kaniyang tahimik na pagbabantay sa pagdating ng isang mayamang developer na balak putulin ang mga puno at paalisin ang ilang residente para magpatayo ng isang subdivision.
Â
Mayroong iilang tumutol, ngunit mas marami ang mga pumayag dahil sa alok na pera. Dahil dito, nagpasyang gumawa ng hakbang si Itimâkinuha niya ang ilang bata sa pag-asang mapansin at iatras ng mga tao ang kanilang plano.Â
Â
Hindi sinaktan ni Itim ang mga bata at bagkus ay pinakain at nakipagkaibigan pa siya sa mga ito. Sa kasamaang palad, natuloy ang pagputol ng maraming puno na nagdulot ng matinding pagbaha sa bayan. Maraming pamilya ang nasalanta at nawalan ng tirahan.
Â
Hindi ordinaryong pagkukuwento
Â
Ito ang aral na nais ituro ng pangalawang episode ng GMA Horror Series na âElementoââna kung minsan, tayong mga tao rin ang nagiging kontrabida sa ating sariling mundo. Lingid man sa ating kaalaman o sadyang mapagsa-walang-bahala lang, ang mga mapang-abuso nating gawain ang nagdudulot ng pagkasira ng ating kapaligiran.
Â
Lalo na sa panahong mas tumitindi ang nagiging epekto ng mga kalamidad dulot ng climate change, nais bigyang diin ng programa ang responsibilidad ng mga tao na pangalagaan ang kalikasan at huwag ipagkibit-balikat ang mga isyung pumapaligid dito.
Â
âThis show makes children take a look at the other side â that perhaps the elementals are also victims as we humans destroy their natural world,â ani Ivy Magparangalan, program creator ng âElementoâ.
Â
Sa pagpapakita na may natatagong kabutihan ang mga elementong ating kinatatakutan, maaaring mapukaw ang damdamin at diwa ng mga tao na gawin silang huwaran at gumawa rin ng mabuti.
Â
âEvery creature has a story of goodness and that's what this Halloween special is all about,â ani Magparangalan. âThe elementals all fight for a certain cause â we have a manananggal fighting against child abuse, a kapre fighting illegal logging, a river fairy against water pollution and all that bring harm to their own kind, humans and the environment.â
Â
Dagdag pa ni Magparangalan, makatutulong din ang pagbasag sa mga nakakahon nating paniniwala tungkol sa mga elemento upang magbahagi ng aral lalung-lalo na sa mga kabataang manunood.
Â
âTo localize the concept, I thought of using Philippine folklore creatures and trying to debunk preconceived notions about their existence,â aniya. âAnd since I want kids to learn something from the show, I also made sure to inject good Filipino values for them to emulate.â
Â
Upang mas maihatid ang mga aral at mensaheng ito, tiniyak din ng mga nasa likod ng programa na magiging kaakit-akit ang paraan ng pagkukuwento.
Â
Sa katunayan nga, nakipagtulungan pa ang GMA sa ibaât ibang post-production companies para sa mga dekalibreng special effect at animation na masasaksihan sa bawat episode.
Â
Ayon pa sa mga producers, naiiba ang âElementoâ sa mga nauna nang series ng GMA dahil sa paggamit ng color grading, sound engineering at Canon C300s upang gawing mala-pelikula ang mga eksena.
Â
Hindi rin matatawaran ang husay at kredibilidad ng mga taong bumubuo ng programa, sa pamumuno ng batikang horror director na si Topel Lee at Urian awardee na manunulat na si Zig Dulay.
Â
Sa nalalabing dalawang episodes, dapat ding abangan ang natatanging pagganap nina Kapusong Solenn Heussaff bilang ang âDiwata ng Wawaâ na si Pandora, kasama si Carlos Agassi (October 24); at si Mike âPektoâ Nacua bilang ang itim na duwendeng si Bambolito kasama si Rochelle Pangilinan (October 31).
Â
Dayuhin ang kakaibang mundo ng mga âElementoâ tuwing Biyernes ngayong buwan ng Oktubre, bago mag-24 Oras sa GMA-7.
Sundan ang official Facebook page ng GMA Public Affairs para sa updates at exclusive web content ng programa. âYuji Gonzales/BM, GMA News
Â
Â
Â
More Videos
Most Popular