Butanding Interaction Officer, bibigyan ng bonggang 'Day Off'
Kabilang na ang mga Butanding sa tinatawag na endangered species o mga hayop na nanganganib nang maubos. Kaya naman makabuluhan ang trabaho ng mga gaya ni Bobby Adrao na isang Butanding Interaction Officer sa Donsol, Sorsogon.
Maramig taon nang B.I.O si Bobby at para sa kanya isang karangalan magsilbing guide sa mga taong nais masilayan at malapitan ang nakamamanghang Butanding. Alam din niya ang importansya sa pagbabahagi ng tamang kaalaman tungkol sa mga Butanding na nangangailangan ng proteksyon.
Sa trabahong ito raw ni Bobby napagtapos ng kolehiyo ang kanyang mga anak na labis ang paghanga sa kanya bilang isang ama at isang B.I.O. sa kanilang lugar.
Kaya naman kasabay ng Butanding Festival sa Donsol, ang trabahong ito ang naging sunod na misyon ni Janine Gutierrez sa Day Off. At sasamahan pa siya ng makulit na si Dasuri Choi para sa mga haharaping pagsubok bilang Butanding Interaction Officer.
Kasama sa gagawin nina Janine at Dasuri ang paghahanap ng mga turistang nais mag-Butanding sighting. Tuturuan din sila kung paano maging Safety officers sa paglalakbay sa dagat!
Samantala, ang online viral star na si Dyosa Pockoh naman ang magsisilbing tour guide ni Bobby at ng kanyang pamilya sa isang buong araw ng pagre-relax. Sa Albay sila mamasyal para tumikim ng masasarap na pagkain ng Bicol, mag-chill na parang mga V.I.P at mag-ikot sa Mt. Mayon sakay ng ATV. Merong ding munting regalo na naghihintay kay Bobby na tiyak ikatutuwa nya! Ano kaya ito?
Samahan ang tropang Day Off sisirin ang karagatan ng Donsol at maglakwatsa sa Albay! Tutok na ngayong Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV!