ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tattoo artist, bibigyan ng 'Day Off!'


 

Day Off

Tattoo  Artist

 

 
Masakit, madugo, at delikado. Ang pagta-tattoo ay isang sining na nangangailangan ng tigas at tapang! At sa larangang ito, hindi raw magpapahuli ang mga kababaihan!  
 
Art education ang kinuhang kurso ng ating Day Off winner na si Charmaine Estores. Pero sa halip na papel o tela, balat ng tao ang napili niyang guhitan ng obra. Sa internet lang daw kumuha ng ideya si Charmaine sa pagta-tattoo at pinag-praktisan ang kaniyang asawa, mga kapatid at magulang. 
 
 
Noong una raw ay hindi sang-ayon ang kaniyang nanay sa pangarap na trabaho ng anak pero hindi nagtagal ay tinanggap na rin niya ang hilig nito. Ang nanay pa mismo ni Charmaine ang una niyang naging kliyente. Pero bakit kaya nagtatampo pa rin si Charmaine sa kaniyang ina? Maayos kaya ito sa araw ng pahinga ni Charmaine? 
 
 
Tatlong taon na ang Charmz Tattoo, ang studio ng ating Day Off winner. Mapa-maliit, malaki, simple o 3D tattoo man ay hindi raw inuurungang gawin ni Charmaine. Lumalaban rin sa iba't ibang contests ang kaniyang mga tattoo at nananalo ng first place sa female category. Dahil in-demand ang tattoo services ni Charmaine, matindi ang pagod at puyatan sa araw-araw. Nasakripisyo tuloy ang kaniyang kalusugan. Nagkaroon siya inactive tumor sa baga at inoperahan pa sa gall bladder dahil sa organ failure.
 
 
Bago mag-Day Off si Charmaine, magta-tattoo 101 session muna ang katropa nating sina Janine Gutierrez at Dasuri Choi. Tinanggap nila ang challenge na mag-tattoo sa isang kliyente ni Charmaine.
 
 
Walang atrasan sa Sabado dahil siguradong exciting at tatatak sa puso ang mapapanood sa Day Off, 6:15 PM sa GMA News TV! 
 
Huwag kalimutang i-follow at i-like ang aming social media accounts na Facebook, dayoffgma, Twitter, @dayoffgma, at Instagram, dayoff_gma7