Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magsasakang nag-viral sa internet, bibigyan ng 'Day Off!'


DAY OFF

Viral Magsasaka

 


Jollibee drive thru sakay ng paragos na may kalabaw?! Ito ang dare sa isang magsasaka na si Ariel Mateo. Dahil wala raw sa bokabularyo ni Tatay Ariel ang umurong sa anumang pagsubok, syempre, challenge accepted! Dahil dito naging viral sa social media ang video ng ginawa niyang dare kasama ang kanyang mga anak at pamangkin. Ano nga ba ang naging inspirasyon niya para tanggapin ang dare na ito?

 


Tubong Teresa, Rizal ang 53 year old na si Tatay Ariel. Alas kuwatro pa lang ng umaga ay gumigising na siya araw-araw para magsaka ng palay sa lupang inuupahan lamang niya. Para may dagdag kita, gumagawa rin siya ng mga arkong kawayan na ginagamit tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kasal o piyesta. Nagbebenta rin siya ng gatas ng kalabaw sa halagang P20 kada bote. Tunay na masipag at mapag-aruga sa kanyang pamilya ang ating Day Off winner for this week.

Sa isang prank, hahamunin muli si Tatay Ariel na gawin ang nangyari sa kanyang viral video. Ano kaya ang malaking regalo ng Day Off at Jollibee na naghihintay sa ating bee-dang magsasaka?

 


Kakasa kaya ang mga binibining host na sina Bianca Umali at Dasuri Choi sa trabaho ni Tatay Ariel?

 



Maaga ang pasko sa pamilya ni Tatay Ariel dahil isang bakasyon grande ang handog sa kanila ng Day Off. Kasama ang kapuso star na si Juancho Trivino, ang buong pamilya ni Tatay Ariel nature tripping ang gagawin sa Laguna. Lake swimming at fun adventures ang naghihintay sa kanilang lahat. At dahil kilalang walang inuurungan, kakayanin kaya ni Tatay Ariel ang mga dare ni Juancho sa kaniya? May kapalit pa naman itong mga surpresa na tiyak na ikatutuwa niya.

 


Lechon at karne raw ang mga pagkaing bihirang matikman ni Tatay Ariel. Kaya naman tinupad ng Day Off ang kaniyang pinaka-mi-meat-hing food trip. Saktong pang-noche buena ang handa sa lamesa kaya busog ang buong pamilya ni Tatay Ariel.

Maligaya ang pasko kung sama-sama ang pamilya sa panonood ng Day Off ngayong ?Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV!
Tags: magsasaka