Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

SISID: A GMA News and Public Affairs Underwater Special


To be replayed on Q Channel 11 on June 21, 2008 at 9:10 PM. More than seven thousand islands make up our vast archipelago, and yet little is known about what lies beneath our seas. A deep dive will soon reveal an entirely different world just waiting to be explored. This summer, GMA Public Affairs takes the plunge with Sisid, an Underwater Special hosted by Howie Severino, Susan Enriquez, Miriam Quiambao and Doc Ferds Recio. Together, they break the water's surface to bring forth amazing and unexpected tales under the sea. Sisid reveals the country's countless marine marvels. Tubattaha Reef, off the coast of the Palawan Islands, is nominated as one of the New Seven Wonders of Nature. Miriam Quiambao and Doc Ferds Recio explore Tubattaha's giant corals and underwater species to showcase the Philippines's pride. Susan Enriquez goes reef walking in the world-famous beaches of Boracay, and Howie Severino comes face to face with one-of-a-kind creatures of the sea in Verde Island Passage, considered the center of the center of marine biodiversity in the world. Not all dives are light and fun. Some can be quite chilling. In the once lahar-stricken province of Zambales, Doc Ferds explores a "lost town", left completely submerged in water. Old structures in this sunken town literally turn to dust at the touch of a finger. Underwater time travel continues in Subic, with the exploration of World War II shipwrecks lying on the ocean floor. Stories of the past also unfold in Malapascua, Cebu, as Howie Severino looks back on one of the biggest sea disasters in the country. He delves deep into the sunken ship, Dona Marilyn, which claimed the lives of 500 people twenty years ago. Together with a survivor, Howie recounts the stories of those whose lives were changed by this tragedy of the sea. Beyond beauty and tales of history, trouble lurks beneath our waters. Sisid takes us to Guimaras, Manila Bay, and Anilao, to bring underwater issues to the surface. The island paradise of Guimaras was devastated by a major oil spill two years ago. Today, we are still reminded of crustaceans covered in black grease along the shore. Sisid unveils the current state of Guimaras underneath its blue waters. The recesses of Manila Bay will also be explored to determine whether beauty has survived amidst pollution. And in Anilao, creatures called "crown of thorns" that destroy corals will be harvested. Dive into the mysterious and fascinating underwater world. Sisid replays on June 21, 9:10 PM on Q Channel 11. For more information, check the SISID BLOG.
Ang mahigit pitong libong isla ng Pilipinas ay napapalibutan ng karagatan. Pero kakaunti lang ang nakaaalam ng mga kwentong nakatago sa ilalim ng dagat. Malaking bahagi ng ating kayamanan, tila sikretong nakatago sa tila naiibang mundong ito…na naghihintay na lamang tuklasin at sisirin. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ag SISID, ang Underwater Special ng GMA News and Public Affairs, kasama sina Howie Severino, Susan Enriquez, Miriam Quiambao at Doc Ferds Recio. Sisirin ang pinakamagandang dive sites sa Pilipinas. Sina Miriam at Doc Ferds maglalakbay patungong Tubbataha Reef para patunayan kung karapat-dapat nga ba itong hirangin bilang isa sa " New 7 Wonders of Nature. " Si Susan naman, maglalamyerda sa Boracay para mag-reef walking. Bibisitahin din niya ang isang underwater burial site sa Anilao, Batangas. Ang mga naiibang nilalang sa ilalim ng dagat, harap-harapan ding kikilalanin. Sisisid si Howie sa Verde Island Passage na nasa pagitan ng Mindoro at Batangas, ang tinuturing na " Center of the Center of Marine Biodiversity " 60% ng mga isda sa buong mundo, dito matatagpuan. Sisirin din ang mga bahagi ng ating kasaysayan na nakalubog sa pusod ng karagatan. Dinayo rin ni Howie ang isla ng Malapascua sa Cebu para hanapin ang MV Doña Marilyn, na lumubog noong 1988 kung saan 500 ang namatay. Si Doc Ferds naman pupunta sa mga lumubog na warship sa Subic noong World War II. Tatangkain din ni Doc Ferds na sisirin ang isang lawa sa Zambales kung saan lumubog ang dalawang baranggay noong pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991. Ang mga isyu at problema ng karagatan palulutangin. Sasadyain ni Susan at Howie ang Guimaras para siyasatin ang kalagayan nito matapos ang naganap na Oil Spill magdadalawang taon na ngayon. Si Miriam naman haharapin ang suliranin sa basura ng Manila Bay at pipilitin niyang madiskubre kung totoo nga bang meron pang mga buhay na coral reefs dito. At sisid si Susan sa Anilao para manguha ng mga Crown of Thorns na nakakasira ng mga coral reefs. Muling aahon ang mga kwento ng ating karagatan sa SISID, sa June 21, 2008, ganap na 9:10 ng gabi sa Q Channel 11. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin din ang SISID BLOG.