GMA Public Affairs and YouTube Philippines collab to find the “Philippines’ Number 1”
Indeed, the Philippines is a haven of superlatives and number 1s. It is home to the most perfect cone-shaped volcano, the tallest bamboo statue, and the longest underground river, among others. But where exactly can we find the best of the best in the Philippines? Following the success of “Pinoy Christmas in our Hearts,” YouTube Philippines ties up again with GMA Public Affairs for "Philippines' Number 1."
Palawan Island is indisputably one of the most stunning tourist destinations not only in the Philippines but in the world. Rufa Mae Quinto, a renowned actress and comedian, sets foot in the municipality of El Nido. During her visit, Rufa Mae stumbles upon a "secret place" that locals claim is one of the places where you can experience the ultimate island vacation. Intrigued by this information, Rufa Mae confidently applies as a receptionist to uncover the secrets of this exclusive destination.
The adventure continues as “Philippines’ Number 1” visits Tuguegarao City in Cagayan Province to experience their most celebrated food festival—the Pancit Batil Patung Festival. Celebrity chef JR Royol traverses the streets of Tuguegarao to find the oldest pancit batil patung recipe in town. He even tries the traditional way of cooking noodles called kinabayu. Chef JR also joins the Batil Patung Eating Contest, wherein he needs to finish a huge bowl of batil patung in just three minutes. Meanwhile, famous vlogger Agassi Ching boldly takes on the Ultimate Pancit Batil Patung Mukbang Challenge and indulges in the delicious local cuisine.
Filipinos have yet to identify a national dish, but it will probably be Adobo if there’s a frontrunner dish. For the locals of Silay City in Negros Occidental, almost everything can be Adobo—chicken, pork, shellfish, vegetables, rabbit, duck, etc. They even hold a festival wherein different versions of Pinoy Adobo are served. Famous chef vloggers RV Manabat and Abi Marquez go to Silay City for a one-on-one adobo cooking showdown. But to spice up things, Chef RV and Abi are not given any ingredients. The two chefs need to harvest their ingredients. What will be the taste of the “adobo of their labor?”
Experience the finest of what the Philippines has to offer, as seen through the lenses of the country's most renowned creators. Catch "Philippines' Number 1," exclusively available on GMA Public Affairs’ YouTube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) beginning September 22.
For more stories about the Kapuso Network, visit www.gmanetwork.com.#
-----
FILIPINO VERSION
Rufa Mae Quinto at iba pang content creators, hahanapin ang “Philippines’ Number 1”
Muling magsasanib-puwersa ang GMA Public Affairs at YouTube Philippines para sa espesyal na digital series – ang "Philippines' Number 1," tampok ang ilan sa mga pinakahinahangaang content creators sa bansa. Eksklusibong mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube channel simula Setyembre 22.
Ang Pilipinas, tila isang bansang hitik sa ‘pinaka’ at ‘numero uno.’ Ito lang naman ang tahanan ng most perfect cone-shaped volcano sa buong mundo, ng pinakamataas na kawayang estatwa, ang pinakamahabang ilog sa ilalim ng lupa, at kung anu-ano pa. Ngunit saan nga ba mahahanap ang ‘the best of the best’ sa Pilipinas? Matapos ang hit online series na “Pinoy Christmas in our Hearts,” muling magko-collab ang GMA Public Affairs at YouTube para sa "Philippines' Number 1."
Ang Palawan Island ay hindi matatawaran bilang isa sa mga pinakamagandang tourist destination hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto, mapapadpad sa isang "secret place" sa El Nido na ayon sa mga lokal ay isa sa mga lugar kung saan mararanasan mo ang ultimate island vacation. Mag-aapply rin si Rufa Mae bilang isang receptionist upang tuklasin ang mga lihim ng eksklusibong destinasyong ito.
Sa Tuguegarao City sa Lalawigan ng Cagayan naman, magtutungo ang "Philippines' Number 1" para sa tanyag nilang Pancit Batil Patung Festival. Susuyurin ni celebrity chef JR Royol ang mga lansangan ng Tuguegarao para mahanap ang pinakalumang pancit batil patung recipe at susubukan ang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng pansit na tinatawag na kinabayu. Samantala, ang sikat na vlogger na si Agassi Ching ay matapang na haharap sa Ultimate Pancit Batil Patung Mukbang Challenge dito sa Metro Manila.
Wala pa mang opisyal na dinedeklarang pambansang ulam ang mga Pilipino, ngunit malamang isa sa mga nangunguna rito ang Adobo. Para sa mga taga-Silay City sa Negros Occidental, halos lahat ay maaaring gawing Adobo — manok, baboy, gulay, kuneho, pato, atbp. Nagdaraos pa sila ng festival kung saan iba't ibang bersyon ng adobo ang inihahain. Nagtungo rito ang mga sikat na chef vlogger na sina RV Manabat at Abi Marquez para sa one-on-one adobo cooking showdown. Ngunit ang twist, hindi sila bibigyan ng anumang sangkap dahil kailangan nila mismo itong anihin. Ano ang magiging lasa ng "adobo of their labor?"
Tuklasin ang ‘the best of what Philippines has to offer’ sa mata ng ilan sa mga pinakakilalang content creators sa bansa. Abangan ang "Philippines' Number 1," na eksklusibong mapapanood sa GMA Public Affairs’ YouTube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) simula Setyembre 22.
Para sa iba pang kwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com.#