Emil Sumangil at the helm of GMA Public Affairs’ multi-platform program “Resibo”
EMIL SUMANGIL AT THE HELM OF GMA PUBLIC AFFAIRS’ MULTI-PLATFORM PROGRAM “RESIBO”
Beginning May 7, veteran journalist Emil Sumangil gives voice to the public’s grievances and complaints as he banners GMA Public Affairs’ multi-platform public service program, “Resibo: Walang Lusot ang May Atraso,” the first Public Affairs program to be telecast both on radio and television as well as on livestreaming platforms.
“Resibo: Walang Lusot ang May Atraso” aims to serve as a credible and reliable tool to hear grievances and complaints, expose wrongdoings, and take a proactive stance by providing concrete actions that will give hopeful resolution to every case featured. Each episode tackles pressing complaints encountered by Filipinos across the country and even overseas. It also exposes and investigates various crimes that impact the lives of ordinary Filipinos.
As the resident Action Man, GMA Integrated News’ veteran reporter and “Mr. Exclusive” Emil Sumangil brings grit and depth as the host of the program. Emil is expected to deliver exclusive crime stories on top of the complaints and grievances from the public as he finds the truth behind each story: pursuing investigations, joining operations, facing concerned parties, and hearing their sides, facilitating dialogues, and helping resolve concerns, which ultimately aim to secure resolutions that will bring light and a sense of fulfillment to the public.
On its pilot telecast, Resibo immediately takes on two pressing cases. In Taguig City, an estranged couple were fighting for custody over their two years old daughter. Jen accused her former live-in partner Jan of physically assaulting her. This led to their separation, prompting Jen to bring their child with her. But Jan took their daughter away from Jen. After almost two months of longing, Jen sought help from RESIBO which coordinated with Taguig City Social Welfare Development Office (CSWD) to act on the complaint. Will Jen reunite with her daughter in the end? Meanwhile, a suspect in the killing of a barangay official in Sto Tomas, Batangas has been in hiding for almost a decade. The suspect, known as Giovanni Mundin is considered as one of the Most Wanted fugitives in Region IV-4. Recently, the Philippine National Police Maritime Group-National Capital Region uncovered his whereabouts and they did not waste time to trap the suspect. Will the suspect finally fall and pay for the crime he had committed?
Catch ”Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso” every Sunday beginning May 7, 5 pm, on GMA and GTV, with simulcast on DZBB, Super Radyo in Cebu, Davao, Iloilo, Palawan, General Santos and Kalibo as well as livestreaming on GMA Public Affairs YouTube channel and social media accounts. For complaints and grievances, the public may reach Resibo through Hotline Number: 0917-7RESIBO, Email: Resibo@gmanetwork.com, Facebook: ResiboWalangLusotAngMayAtraso or visit GMA Action Center, Kapuso Center Building, GMA Network Drive, Diliman Quezon City.
EMIL SUMANGIL, AKSYON ANG HATID SA GMA PUBLIC AFFAIRS’ MULTI-PLATFORM PROGRAM NA “RESIBO”
Simula ngayong Linggo ( May 7), bibigyang-boses ng beteranong mamamahayag na si Emil Sumangil ang mga inaapi at inaagrabyado sa multi-platform public service program ng GMA Public Affairs na “Resibo: Walang Lusot ang May Atraso,” ang kauna-unahang programa ng Public Affairs na sabayang mapapanood at mapakikinggan sa radyo, telebisyon at online.
Layunin ng “Resibo: Walang Lusot ang May Atraso” na magbigay-daan upang pakinggan ang mga hinaing at reklamo ng publiko, ilantad ang mga maling gawain, at lapatan ng maagap na aksyon ang mga problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng konkretong solusyon sa mga nararanasan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Tampok din ang pagbulgar sa iba't ibang krimen na nakaaapekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Bilang resident Action Man, ihahatid ng beteranong reporter ng GMA Integrated News na si “Mr. Exclusive” Emil Sumangil ang bawat sumbong at reklamo at iba pang eksklusibong kwento. Sasamahan ni Emil ang mga ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas upang ilantad at aksyunan ang mga ilegal at maling gawain. Mangunguna si Emil sa paghahanap ng katotohanan sa likod ng bawat kuwento at susundan ang imbestigasyon hanggang maresolba ng mga hinaing at reklamo.
Sa panimulang episode ng Resibo, bibigyang-aksyon ang dalawang mahalagang kaso. Sa Taguig City, pinag-aagawan ng dating magkasintahan ang dalawang taong gulang nilang anak. Sumbong ng inang si Jen, nagsimula ang kanyang kalbaryo nang pagbuhatan siya ng kamay ng dating kinakasamang si Jan .Dahil dito, nakipaghiwalay si Jen bitbit ang kanyang anak. Pero itinakas ni Jan ang bata mula kay Jen. Mahigit dalawang buwang nangulila si Jen sa kanyang anak. Agad nakipag-ugnayan ang Resibo sa Taguig City Social Welfare Development Office o CSWD para tugunan ang sumbong. Maibalik kaya ang bata kay Jen? Halos isang dekada namang nagtago sa kamay ng batas ang suspek sa pagpatay sa isang barangay tanod sa Sto. Tomas, Batangas. Ang suspek na kinilalang si Giovanni Mundin, itinuring na isa sa mga Most Wanted ng Region IV-A o CALABARZON. Kamakailan, sa tulong ng Philippine National Police-Maritime Group ng National Capital Region, natiktikan ang suspek at agad ikinasa ng mga otoridad ang isang ‘entrapment’ o patibong. Tuluyan na kayang mahulog sa patibong ng mga otoridad ang suspek?
Huwag palampasin ang ”Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso” tuwing Linggo simula Mayo 7, 5 pm, sa GMA at GTV. Sabayan din itong mapakikinggan sa DZBB at Super Radyo sa Cebu, Davao, Iloilo, Palawan, General Santos at Kalibo, at may livestreaming din sa GMA Public Affairs YouTube channel at social media accounts. Para sa mga sumbong at reklamo, maaaring makontak ang Resibo sa pamamagitan ng Hotline Number: 0917-7RESIBO, Email: Resibo@gmanetwork.com, Facebook: ResiboWalangLusotAngMayAtraso o magsadya sa GMA Action Center, Kapuso Center Building, GMA Network Drive, Diliman Quezon City.