Mga bongga at ma-boteng negosyo, tampok sa Pera Paraan ngayong Sabado!
Pera Paraan
Burger Bombs, 5 Peso Treats at Ulam in Jar
Date of Airing: February 19, 2022
Mga kakaibang food business ang hatid ng ating mga maparaang negosyante!
Hanggang saan aabot ang limang piso mo? Iyan ang halaga ng mga milky donut na binebenta ng Lunar Bakery. Nauubos ang 5,000 pirasong milky donut sa isang araw. Kasama ito sa iba pang tinapay na hinahatid ng family business na ito.
Naging blessing din ang adobong bopis ni Tatay Alberto sa pamilya niya. Dati lang niya ito nilalako sa kalsada pero nang naisipang nilang ilagay sa garapon, biglang lumago ang kanilang negosyo. Sa puhunang 2,000 pesos, umaabot na ang kita nila sa 21,000 pesos kada linggo. Pero hindi lang bopis ang puwede palang ilagay sa garapon. Ang street food natin na isaw, nasa bote na rin! Isang family recipe nila Criselda ang kanilang isaw in a jar. Sa sobrang patok, mayroon na itong 50 resellers dito at pati na rin sa ibang bansa.
Hindi lang mga pagkaing Pinoy ang nagkaroon ng paandar. Ang burger, mayroon ding pasabog. Ito ang burger bombs ni John at ng kanyang mga kaibigan. Makikita sa pitong branches ang iba’t ibang flavor ng kanilang burger bombs na hickory barbecue, pizza, creamy pork floss at marami pang iba.
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!
-----
Enjoy 5 peso treats such as a milky donut from a family bakery or unlimited coffee in a restaurant in Tanay, Rizal. The humble burger gets an upgrade as a burger bomb while the street food isaw can be eaten from a jar instead of a barbecue stick.