Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

Mag-asawang ginawang tahanan ang isang van, itatampok sa Brigada!


 


THE VAN LIFE

Hindi problema ang buryong sa bahay para sa mag-asawang Denmark at Joy, dahil pwede silang lumibot kahit saan kahit naka-relax lang sa kanilang tahanan! Ang kanila kasing sasakyan ang nagsisilbi na rin nilang kusina, kainan, tulugan, in short -- tirahan! Perfect daw ang ganitong set up para sa kanila dahil bilang mga multimedia professionals na kailangang bumiyahe sa kada ginagawang proyekto, hindi na nila kailangan pang gumastos para sa kanilang tutuluyan! Inalam ni Darlene Cay ang iba't ibang benepisyo ng pagkakaroon ng van life.

 


HOARDING
Ugali na nating mga Pilipino na maging matipid sa kahit anumang bagay. Kaya naman hindi maiwasan ng ilan sa atin na itabi ang pailan-ilang mga gamit na bagay na puwede na sanang diretso nang maidispatsa. Hanggang sa hindi natin namamalayan na ang mga naitatabi nating gamit, dumarami at naiipon na pala! Para sa ilang hirap mag-let go ng mga naipong santambak na gamit, maaaring indikasyon daw ito ng hoarding disorder, na kadalasa'y labis na nakaaapekto sa kalidad ng pamunuhay ng isang tao. Sino kaya sa mga nakilala ni Kara David na mahilig mag-ipon ng gamit ang handa nang harapin ang pag-aayos at paglilinis sa mga ito?

 

 

NINAKAW NA ALAALA
Bahagi na ng pagtanda ang pagiging makakalimutin. Pero ibang usapan na kung ang kasama na sa mga hindi mo maalala ang iyong pamilya't mga mahal sa buhay. Ganito ang nangyari sa jeepney driver na si Mang Epifanio na dahil sa Alzheimer's disease, tanging asawa na lang niya ang kanyang nakikilala sa buo nilang pamilya. Sa kabila ng tila mga ninakaw sa kanilang alaala, sinisikap ng magkapatid na Rona at Jofanne at ina nilang si Josie na subukang maibalik ang memorya ng haligi ng kanilang tahanan. Nasaksihan ni Bernadette Reyes ang pagharap ng kanilang pamilya sa Alzheimer's disease.

 

 
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

Tags: brigada