Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

#ThrowbackSaEskuwela, bibida ngayong Huwebes sa ‘In Real Life’


 

 

Masayang #FoodTrip at trending na #ThrowbackSaEskuwela ang hatid namin inyo ngayong Sarap o’clock Thursday!

Ang paborito nating pancit, may paandar na hirit! Hindi na lang panghandaan at pang-merienda dahil ang kare-kare pancit, adobo pancit, at laing pancit, puwede na ring ulamin ng buong pamilya!

 

 

Huwag itapon ang tangkay ng mga gulay! Kaunting experiment lang, sino’ng mag-aakalang ang tangkay ng cauliflower, puwede na ring gawing okoy! Paano ito lutuin at magkano ang aabutin?

 


At mga nakaaaliw na eksena sa eskuwela, trending sa Tiktok videos ng content creator na si Esnyr! Balikan ang masasayang eksena tuwing field trip, flag ceremony, at intrams sa kanyang mga trending video!

 


 


Kikiligin naman kayo sa trending na love story nina Cloudine at Mark na nagsimula rin sa eskuwela! Ang ka-hiraman lang ng notes noong una, soulmates pala pagtanda! Sana all talaga!

 


Abangan lahat ng iyan sa 'In Real Life' kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong sarap o’ clock Thursday, 6 PM sa GTV.