Barangay edition ng larong ‘bring me’, itatampok sa On Record!
On Record
Airing Date: September 5, 2021
BUHAY MARINO
Ang Pilipinas ang nangungunang supplier ng mga seafarer sa mundo. Dahil sa pandemya ay isa ang seafarer sector sa mga matinding naapektuhan ng pandemya ayon sa Philippine Overseas Employment Administration.
Pangarap ni James Getuaban ang maging seaman. Sa kaniyang unang beses na pagsakay sa barko ay kailangan niyang pansamantalang iwanan ang kaniyang life partner na si Vincy at sampung buwang gulang na anak. Sa video na inupload ni Vincy sa Tiktok, mapapanood ang madamdaming pamamaalam ni James sa anak nang paluwas na siya mula Cebu papuntang Maynila kung saan siya maghihintay na makasampa ng barko.
BLOUNT DISEASE
Pag-asa naman ang hatid ng kwento ni Cindy Diaz sa mga kagaya niyang may Blount disease, isang growth disorder kung saan naaapektuhan ang mga binti at nagiging sanhi ng pagkurba ng mga binti palabas. Labingwalong taong tiniis ni Cindy ang ganitong kondisyon. Sa video na kaniyang inupload sa TikTok ay ipinakita niya ang mga pinagdaanang operasyon para maituwid ang kaniyang mga binti.
Sinubukan din nina Oscar Oida at Mav Gonzales ang larong Bring Me: Online Edition.
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Linggo, 5:20 PM sa GMA.
ENGLISH VERSION
The Philippines is the world’s leading supplier of seafarers on international merchant ships. According to Philippine Overseas Employment Administration, the country's seafarer sector was one of the hardest hit by the COVID-19 pandemic.
James Getuaban’s childhood dream is to become a seafarer. A TikTok video shows James saying his goodbyes to his life partner and 10-month-old baby. He leaves for Manila to finish his applications and prepare for a long stint away.
After 18 years of battling Blount disease, Cindy Diaz was able to walk with a regular gait. Blount disease is a disorder of the growth plates in the bones around the knee, which causes bowlegs. Cindy shared the surgical operations and her recovery on TikTok.
To celebrate the feast of San Roque, a barangay chairman in Sampaloc, Manila, facilitated a Bring Me game. To prevent the spread of Covid-19, the Bring Me items are relayed through the Public Address system to avoid the crowd. The funniest moments during the game are caught on CCTV cameras.
Oscar Oida and Mav Gonzales also try the game Bring Me: Online Edition.
Catch On Record every Sunday at 5:20 PM.