Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Nakabubusog na lakwatsa sa Benguet with 'Biyahe ni Drew'


BIYAHE NI DREW: Nakakabusog na Lakwatsa sa Benguet
Friday, August 13, 2021
6PM GTV


Walang makakapigil sa paglalakwatsa ng Biyahe ni Drew, come rain or come shine! Ang next stop nila: Benguet.

Una nilang dadayuhin  ang Tublay kung saan makikita ang isang blueberries farm at isang...giant takure? Bida rin dito ang lemon cupcake na dinadayo ng mga turista.

 

 

   
Sa Benguet din makikita ang mga taniman kung saan kinukuha ng bansa ang mahigit 80 percent ng mga highland vegetables. Makikilala ni Drew ang mga tao sa likod ng isang mobile app na tumutulong sa mga magsasaka para ibenta ang kanilang mga ani.

 


Samantala, ang pagkain ng mga taga-Benguet ay karugtong din ng kanilang kultura. Kitang-kita 'yan sa pinuneg o blood sausage ng mga Igorot na gawa sa dugo at bituka ng baboy. Ayon kay Chef JR Royol ng cooking show na "Farm to Table", dapat daw ay walang masayang na bahagi ng hayop bilang pagpapakita ng respeto rito. 

 


At bilang isang espesyal na handog, sasama rin sa biyahe si Marvin Agustin mula sa kaniyang kusina para ipatikim sa atin ang iba't ibang baked goodies niya.  Ang main ingredient ng mga ito, galing pa sa Good Shepherd ng Benguet!

 


Huwag magpaiwan! Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV.