Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing swak ngayong tag-ulan, ihahain sa ‘In Real Life’!


 


 

Swak sa tag-ulan ang mga pagkain at kuwentong hatid ng IRL sa inyo ngayong Sarap o’clock Thursday!

Ulam na, hot mami pa! Sa karne at gulay na sahog ng mga hot mami na ito ng Lako, mapapa-extra rice ka talaga! Pili na sa sinigang, bulalo, batchoy at tinola!

 


At kung ulam lang din naman ang pag-uusapan, nangunguna sa listahan tuwing may handaan ang kaldereta! Pero ang bida sa kalderetang ito, hindi kambing o baka, kung hindi… dilis! Ano kaya ang kakaiba sa ginamit nitong sarsa?

 


Trending naman sa social media ang mga likha ng isang visual artist dahil ang kanyang mga obra, mga iba’t ibang tagpo sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy. At ang bida sa kanyang mga ipininta, mukha ng isang bata. Bakit kaya?

 

 

Trending din sa social media ang video na ipinost ng aktres na si Candy Pangilinan. Sa video, makikitang naging altar server sa simbahan ang 17 taong gulang niyang anak na si Quentin.

 

 

Ibabahagi ni Candy ang kanyang karanasan sa pagpapalaki sa anak na na-diagnose ng ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

 


 


Abangan lahat ng iyan sa IRL kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6 PM sa GTV.