Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rufa Mae Quinto, makikisaya ngayong Huwebes sa ‘In Real Life’!


 


Siguradong mapapa-go, go, go tayo sa kuwentuhan, tawanan, at masayang kainan ngayong Sarap O’clock Thursday!

 

 

To the highest level ang saya dahil ang aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto, makikilala na ang Tiktok impersonator niyang si Thesa Mabangue!

 

 


Ang mga trending na Tiktok video na panggagaya ni Thesa, nakaabot daw kay Rufa Mae sa Amerika! Kukumustahin din natin ang buhay niya sa Amerika ngayong may pandemya. Nami-miss kaya niya ang buhay-artista?

 


Mapapasabak din sa Da Who Challenge ang ka-IRL nating si Gabbi Garcia. Mahulaan kaya niya kung kaninong boses ang maririnig niya: Kay Rufa Mae o kay Thesa?

 


 


Hindi lang Sarap o’clock kung hindi Walang Tapon Thursday rin ngayon sa IRL! Ang balat ng saging na saba, pwedeng gawing burger patty? At ang puting bahagi ng pakwan na karaniwang hindi na kinakain, kaya pang i-level up at gawing atsara at okoy? Alamin kung paano!

 


 


Abangan lahat ng iyan sa 'In Real Life' kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6:00 PM sa GTV!