Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano maiiwasan ang gouty arthritis?


PINOY M.D.
JULY 31, 2021
6 AM SA GMA

 

 

Kahit ang malakas na katawan, kayang lumpuhin ng sagad sa butong sakit ng gout—isang uri ng rayuma— tulad ng nangyari sa dating OFW na si Arthur Miguel. Ipinagwalang-bahala lang daw niya nang nagsimulang sumakit ang kanyang mga kasu-kasuan hanggang lumala at naging gout. Ngayon, hindi na makapgtrabaho si Arthur at maaaring operasyon na lamang ang solusyon sa kanyang kundisyon.

 

 

Ang panghihina at hirap sa pag-ihi, maaaring senyales ng Herniated Disc—isang kundisyon kung saan nawawala sa puwesto ang disk sa pagitan ng mga buto sa gulugod na maaaring magresulta ng pagbaliko ng katawan at hirap sa pagkilos gaya ng nangyari sa 28 anyos na si Jerick Byang.

Sa lawak ng bansa at sa yaman ng ating kultura, 'di nakapagtatakang napakarami nating uri ng adobo! Ang ibang bersyon maalat at mamantika pero may iba pa rin namang puwedeng maging katangian ang isa sa paborito nating ulam. Gawin nating healthy ang adobo sa pamamagitan ng paggamit ng ilang piling sangkap!

Sundan ang mga kuwentong 'yan sa Pinoy MD ngayong Sabado, alas 6 ng umaga sa GMA.