Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'The Atom Araullo Specials'

'Munting Bisig,' mapapanood na ngayong Linggo!


THE ATOM ARAULLO SPECIALS
JULY 25, 2021, Sunday, 2:00 PM
GMA Network

Paano kung kailangan mong sumisid sa putikan para lang makahanap ng ginto?  Susubukan ito ni Atom Araullo sa kaniyang pagbisita sa napakayamang bayan ng Paracale, Camarines Norte.  Dito niya makikilala si “Pancho” labinlimang taong gulang at ang pinakabatang compressor diver sa kanilang barangay.  Buhay ang nakataya tuwing sisisid si “Pancho” para humanap ng ginto.  Ito ang tanging alam niyang paraan para kumita ng pera at makatulong sa ama niyang may sakit.  Hindi nag-iisa si Pancho.  Buhat ng pandemya at pagsara ng mga paaralan dahil sa lockdown, maraming bata ang nagkaroon ng oras para maghanap ng paraan para kumita at makatulong sa kanilang pamilya.    

Bibisita rin si Atom sa Cordillera kung saan naitala ang pinakamababang bilang ng child labor cases sa bansa.  Dito makikilala ni Atom si Yeseleen, ang isa sa dalawang child labor profiler sa buong probinsya.  Tatawirin nila ang kabundukan para maghanap ng mga batang nagbabanat ng buto.  Dito nila makikilala ang magkakapatid na nangongolekta ng bato sa batis para ideliver at masuhin sa isang construction site.

Hindi na kailangang lumayo pa para makakita ng batang manggagawa.  Dito sa Pasay, makikilala ni Atom ang labindalawang taong gulang na si Joshua.  Siya na ang tumatayong padre de pamilya.  Isa si Joshua sa maituturing na “lockdown generation”.  Na-stranded siya sa Manila habang nakaratay ang kaniyang ama sa Cavite.  Dito sa Maynila, natuto siyang dumiskarte at maglako ng merienda para makatulong sa kaniyang mga magulang. 

Nitong Hunyo 2021, inilabas ng International Labour Organization ang bago nilang datos na matapos ng dalawang dekada, muli nanamang umakyat ang bilang ng child labor cases sa buong mundo.  Sisikapin ni Atom Araullo malaman kung ganito rin ang sitwasyon sa Pilipinas.  Makikilala ni Atom ang mga batang ginagamit ang kanilang munting bisig para lagpasan ang hirap na dulot ng pandemya.

English version

How does it feel to be completely submerged in muddy water, virtually blind and deaf, with only a hose for air as a lifeline?  Atom Araullo finds out as he tries his hand at compressor diving in Paracale, Camarines Norte.   Atom will meet 15 year old “Pancho”,  the youngest compressor diver in their barangay.  He braves diving into 40 feet of mud to collect soil for the chance of finding gold.  As the pandemic spread through out the country, many children just like “Pancho” opted to use their time to find work and earn a few pesos to help their family survive.

In Cordillera which reportedly has the lowest cases of child labor in the country, Atom will discover why the numbers in the province are so low.  He meets Yeseleen, one of only 2 child labor profilers in the entire province.  Atom will accompany Yeseleen as she makes her journey through the mountains of Kalinga to find siblings engaged in hard labor.

But one doesn’t need to travel far to find children at work.  In Pasay, Atom will meet Joshua who is the bread winner of his family at the age of 12.  Joshua is part of the “lockdown generation” as he finds himself ‘stranded’ in Metro Manila while his ailing father is left behind in Cavite.  Here in Manila, he rides his bike to sell snacks to his neighbors so that he can bring home earnings to his family. 

In June 2021, the International Labour Organization released new findings that after a 2-decade decline, child labor cases have once again risen all over the world.  Atom Araullo will find out if this is true here in the Philippines.  As the pandemic continues, Atom will meet children who put their lives at stake to help their family survive.