Iba’t ibang meryenda with a twist, bida ngayong hapon sa ‘In Real Life’
Mapapalaban tayo sa kainan, kuwentuhan, at tawanan ngayong Sarap o’clock Thursday sa 'In Real Life'!
Siguradong panalo sa panlasang Pinoy ang paborito nating palabok! At para sa mas level up na kainan, itabi muna ang noodles dahil ang palabok sauce, ipa-partner natin sa tinapay! Ang bida sa ating merienda, ang palaban na Pala-Bun!
Jellicious treat din ang dala ng Jelly Champorado at Jelly Pancit! Kung paandaran lang naman ng merienda, hindi pahuhuli ang mga ka-IRL natin dahil ang champorado at pancit, nilagyan ng gelatin! Paano kaya ito gawin?
Alamin din kung paano mas gawing patok ang paborito nating puto! Ihanda na ang piling ng saging dahil ang kukumpleto sa ating merienda menu, ang Banana Cheese Puto!
Bibida rin ang mga bibong chikiting na kinaaliwan ng mga netizen! Nag-viral sa social media ang video ng limang taong gulang na si Kaye dahil sa galing nitong mangatuwiran. Bakit kaya siya tinawag na “Little Abogado?”
Nag-ala child star naman sa drama ang Kinder II student na si Liam dahil sa dami ng sinasagutang module sa eskuwela! Ano kaya ang kuwento sa likod ng video?
Abangan lahat ng iyan sa 'In Real Life' kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6 PM sa GTV!