Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Ipon Champions” tampok ngayong Huwebes sa ‘In Real Life’!


 

Bida ang mga "Ipon Champion" ngayong gabi sa IRL!

 

 

Saan aabot ang bente mo? Ang bente-benteng hulog sa drum ni Gerdan Tolero, inabot ng P82,140!

 

 

Si Roger Cervantes naman, barya-barya ang inihulog hindi sa alkansya kung hindi sa tubong konektado sa kanyang hagdan! Ang barya niya, naging P72,000 sa loob ng isang taon!

Pero si Sheryll Tayhopon, inakalang nawawalan ng pera sa bag! Pero ang hindi niya alam, may iba palang nagpuslit sa likod ng dingding nila —instant ipon na umabot sa halagang P4,210! Sino kaya ang nagpuslit ng pera sa dingding?

Kilalanin ang iba pang Ipon Champions kasama si Gabbi Garcia sa IRL, ngayon Sarap O’clock Thursday, 5:45 PM sa GTV!