'Stories of Hope,' ngayong Lunes sa GMA!
STORIES OF HOPE”
Airs this March 15, Monday night after SAKSI on GMA
Each one of us has a story of hope to tell. This March, GMA News and Public Affairs launches “Stories of Hope” which will highlight inspiring and hopeful stories of people living extraordinary lives; riveting tales of struggles and triumphs; and how the Filipino spirit ultimately find ways to overcome seemingly insurmountable adversities. Stories of Hope will feature compelling stories that aim to highlight the Filipino resilience, grit, determination and hardwork that could ultimately spark a sense of inspiration in the hearts and minds of Filipinos.
For its initial offering, Stories of Hope features the story of soldiers who have lost limbs during battles. In April 2019, Corporal Ariel "Prince" Reyes lost his left arm during a fierce battle in Lupon, Davao Oriental. His grenade launcher exploded after getting hit by a sniper of the armed rebel. He also lost both of his ear drums.
For Corporal Reyes, the hardest part was telling his wife and then 3-year old daughter about the tragedy. The road to recovery was also tough but was made easy with the love and support of his family.
Meanwhile, Sergeant Jovan Rey Patagani was on a rescue mission during a typhoon in Davao Oriental in 2013 when an improvised explosive device or land mine suddenly detonated. The blast disintegrated both of his legs.
Corporal Reyes and Sergeant Patagani aim to inspire others with their story of love for family and country. In due time, they plan to reactivate for duty to serve the country. Their message is to never give up, never quit and never lose hope.
“Stories of Hope” empowers the subjects to tell their stories in their own words and offers an unfiltered and intimate look into their personal experiences.
Catch “Stories of Hope” every Monday night after Saksi beginning on March 15 on GMA.
FILIPINO VERSION:
Bawat isa, may kuwento ng pag-asa. Ito ang konsepto ng pinakabagong programa ng GMA News and Public Affairs, ang Stories of Hope na magtatampok ng iba’t ibang kuwentong kapupulutan ng aral -- mga pagsubok na nalampasan, mga hamong napagtagumpayan, mga kuwentong magbibigay inspirasyon at pag-asa. Layunin ng Stories of Hope na ipakita ang katatagan, kasipagan at determinasyon ng mga Pilipino sa pagharap sa anumang pagsubok ng buhay. Ang bawat kuwento, ibabahagi mismo ng mga taong nakaranas nito.
Sa unang pagtatanghal ng Stories of Hope, tampok ang kuwento ng mga sundalong nakipaglaban pero naputulan ng mga kamay at paa sa gitna ng bakbakan at misyon sa Mindanao.
Habang nasa engkwentro sa Lupon, Davao Oriental noong April 2019, sumabog ang dalang grenade launcher ni Corporal Ariel “Prince” Reyes matapos tamaan ng sniper ng kalaban nila. Dahil dito, naputol ang kanyang kaliwang braso. Naputol din ang kanyng daliri at naapektuhan maging ang kanyang pandinig. Pero bukod sa natamong mga sugat, pinakamahirap para kay Corporal Reyes kung paano sasabihin sa kanyang asawa at noo’y tatlong taong gulang na anak ang nangyari sa kanya. Malaking tulong daw ang ibinibigay na suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya para malagpasan niya ang pagsubok na ito. Sa ngayon higit isang taon na niyang hindi nakikita ang pamilya sa probinsya habang patuloy ang kanyang therapy dito sa Maynila.
Habang nasa isang rescue mission naman si Sergeant Jovan Rey Patagani sa kasagsagan ng bagyong Pablo sa Davao Oriental noong 2013, biglang sumabog ang isang land mine. Sa tindi ng pagsabog, naputol ang kanyang dalawang paa.
Sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, mabibigyan sina Corporal Reyes at Sergeant Patagani ng mga panibagong prostheses. Masaklap man ang nangyari sa kanila, hindi ito naging dahilan para sila ay sumuko at mawalan ng pag-asa. Matapos ang kanilang training at therapy, muli silang sasabak sa panibagong hamon bilang mga sundalo.
Abangan ang “Stories of Hope” simula na ngayong March 15, 2020, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.