DIY gupit, decluttering at shoe care tips, alamin!
HOME WORK: DIY GUPIT, SHOE HACKS AT DECLUTTERING
AUGUST 27, 2020
Maraming barber shop at salon ang sarado pa rin dahil sa umiiral na quarantine. Kaya ang mga Ka-Tambahay natin, kanya-kanyang diskarte to make their bad hair day go away.
Hindi ito kwentong barbero, si Tonipet, sasabak sa DIY Haircut challenge. Ano kaya ang kalalabasan ng kanyang gupit?
_2020_08_25_19_07_18_2.png)
Ang Kapuso Comedian na si Betong, hindi na rin nakatiis sa inis na dala ng mahabang buhok. Sa kanyang vlog, ibinahagi niya ang kanyang quarantine gupit experience, “So sabi ko, bakit hindi ko gupitan sarili ko? Pero siyempre wala talaga akong background sa paggupit pet. Wala akong gamit panggupit, ang panggupit ko iyong gunting na pang-Art Angel”.
Naitawid naman kaya ni Betong ang DIY haircut?
_2020_08_25_19_07_18_3.png)
_2020_08_25_19_18_43_0.png)
From the Philippines, lilipad tayo sa Canada. Hindi na rin napigilan ng Kapuso nating si Racz Kelly na gupitan ang sarili. Iyon nga lang, epic fail ang resulta, “Ano siya, parang minurder sa tagalog. Minsan, nagjo-joke pa tayo na “buhay pa ba iyong gumupit sayo? Iyong parang gusto mo rin tanungin ang sarili mo pero wala kang choice kasi ako rin gumupit sa sarili ko. So sabi ko hindi ko na ito gagawin, hindi ko na ulit ito gagawin.”
Paano kaya niya ito nasolusyunan?
_2020_08_25_19_18_43_1.png)
_2020_08_25_19_18_43_2.png)
Calling all sneakerheads and shoeaholics, miss niyo na rin bang irampa ang inyong mga sapatos? Marami sa atin ang hindi pa ito magamit ulit dahil sa quarantine. At kahit nakatabi lang ang mga ito, kailangan pa rin itong alagaan para kapag pwede nang lumabas, nasa maganda kondisyon pa rin ito.
Ibinahagi rin ng isang shoe expert ang ilang mahahalagang tip sa maintainance ng mga sapatos, “For taking care naman ng shoes, bago mo i-store dapat linisin mo sya. Kasi kapag itinago mo lang sya basta pagkatapos mo syang gamitin, siguro mga after a week, magkakaroon iyan ng molds.”
_2020_08_25_19_07_18_1.png)
Problema niyo rin ba ang tambak at hindi nagagamit na damit sa closet? Worry no more, we will give you a spark of joy sa ibabahaging decluttering tips ni Rovilson.
Kasama si Renelyn na isang home organizing expert, tuturuan tayo kung paano ba mag-let go ng mga bagay na hindi na natin kailangan, “Kung mayroon akong gustong i-share sa lahat ng nanonood sa atin, iyong tidying up the KonMari way, it’s not about throwing things away. Hindi siya about what will I declutter but ang dapat nating tandaan is tidying up the KonMari way is your way of surrounding yourself”.

Tutukan ang aming hacks and tips as we navigate to the new normal sa Home Work, 8:30PM sa GMA News TV.