ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Taon ng mga daga


Episode on January 3, 2008 Thursday late night after Saksi Mga putaheng daga Nakadidiri kung iisipin pero alam niyo bang meron talagang dagang nakakain? Sa ilang bayan sa Nueva Ecija, hindi kakaiba ang pagkain ng dagang bukid -- ang dagang nahuhuli sa mga palayan. Malinis daw ang mga ito dahil palay at gulay lamang ang kanilang kinakain. Samahan si Joaquin na tikman ang daga recipes tulad ng sinampalukan, adobo at tapang daga! Dagalandia Kung sa bansang Tsina at India ay itinuturing na sagrado ang mga daga, sa Pilipinas ito ay peste -- sa pananim, sa bahay at mismong sa tao. Bukod dito, simbolo rin ito ng kahirapan, kaya nga may kasabihan tayong "mahirap pa sa daga." Pero may mga taong sinwerte raw dahil dito. Ang iba, kinakaibigan ang mga ito. Alamin ang kanilang kwento at ang iba pang paniniwala ng mga Pinoy tungkol sa hayop na bibida ngayong taon. Sikat na rat Kung ang Amerika ay may Mickey Mouse, ang Pilipinas naman ay may Ikabod. Si Ikabod ang pinakasikat na daga noong rehimeng Marcos. Ito ay nagmula sa imahinasyon ng cartoonist na si Nonoy Marcelo. Ginamit niya si Ikabod para iparating sa masa ang mga isyung pulitikal noong Martial Law sa simple at magaang na paraan. Kilalanin si Ikabod at ang kanyang manlilikha. Taon ng mga daga Bagong taon, bagong simbolong aasahan nating magdadala ng swerte -- ang mga daga! Ayon sa Chinese astrology, ang daga ay simbolo ng swerte kaya bagama't simbolo ito ng kahirapan para sa mga Pinoy, marami ang umaasa na hatid nito ay maswerteng 2008. At para mas pumasok ang swerte, alamin kung anu-anong lucky charms at iba pang imahe ang pwedeng ilagay sa bahay para makaakit ng swerte. At alamin ang kapalaran ni "Marimar" Marianne Rivera na ipinanganak daw sa Year of the Rat.