Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang tahimik na isla ng 'Alabat' sa Quezon, bibisitahin ni Drew!
Biyahe ni Drew: Alabat Island, Quezon Province
Friday, 14 September 2018
8 PM on GMA News TV
Friday, 14 September 2018
8 PM on GMA News TV
Ngayong Biyernes, samahan si Drew Arellano sa isang lugar na tahimik, hindi matao, at napalilibutan ng karagatan—ang Isla ng Alabat sa Quezon Province.
Matatagpuan ang Isla ng Alabat sa Lamon Bay na nakaharap sa Pacific Ocean. Ang gateway nitong Atimonan Port ay apat na oras lamang ang layo mula Maynila. Pero ang itsura ng isla, parang wala na sa Luzon.
Sa Perez, bukod sa beach, ipinagmamalaki ng mga lokal ang kanilang lutuin. At dahil malapit na sa Bicol, matitikman ni Drew ang sarili nilang bersiyon ng pinangat at iba pang ginataang putahe.
Sa Munisipyo ng Quezon nagaganap ang taunang Yubakan Festival. Kaya siyempre, kailangang subukan ni Drew ang pinakamasarap na nilupak na nanalo sa huling festival na gawa raw ng mga taga-Barangay Mascarina.
Pupuntahan din ng Team BND ang isa sa pinakamagagandang atraksiyon ng Alabat, ang Pulong Pasig Sandbar. Para kay Drew, worth it ang paggising at pagbiyahe nang madaling araw para lang makita ang hidden treasure na ito. At dahil malapit lang, sisilipin na rin ni Drew ang isang mangrove forest kung saan manghuhuli siya ng takla.
Sa mga mahihilig sa farming, puwedeng sumama sa farm tours ng Alabat. Merong kalamansi at cacao farms kung saan puwede kang mag-pick and pay. Pero kung gusto mo ng kaunting challenge, puwede ka namang pumunta sa bee farm to get up close and personal with the bees.
Samahan si Drew na madiskubre ang isang bagong destinasyon sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular