Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Piling footbridge sa Metro Manila, ininspeksyon ng "Alisto"


 


May footbridge nga, nakaharang naman ang mga kable ng kuryente. May ilang nakatengga at hindi magamit, kinakalawang pa ang mismong bakal nito. Ang semento, may bitak na rin!


Ang isang footbridge naman sa Quezon City—pinagkumpulan ng mga tindera at tindero. Nakupo! Bakit nga ba ganito ang lagay ng ilang footbridge na dapat sana’y nakalaan para sa ligtas na pagtawid ng mga pedestrian?

Hindi pinalampas ni Agent A ‘yan!

Samantala ayon sa DepEd, halos tatlumpu’t isang kaso ng pambu-bully ang nangyayari kada araw noong 2014. Tumaas ito ng dalawampu’t isang porsiyento mula noong 2013. Ayon sa eksperto, isa sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy ito ay dahil na rin sa nananahimik ang ilang biktima at walang nakikialam para magsumbong at sumaklolo.

 



Sa isang social experiment kasama ang Kapuso child star na si Kyle Ocampo, inalam ng Alisto kung dedma nga ba ang ilang Pinoy sa mga ganitong sitwasyon.

Abangan ang lahat ng aksyon, solusyon, at serbisyo publiko sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!