Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents "Signos: Banta ng nagbabagong klima"
Episode on October 25, 2008 Saturday, 11:30 p.m. "Signos: Banta ng Nagbabagong Klima", Philippine television's first full-length documentary on climate change, airs again this Saturday on Sine Totoo. Global warming is one of the most serious threats the world faces today. The warning signs are present, even here in the Philippines. Drought is felt during the rainy season and typhoons strike in the summer months. Sea water level is on the rise and more areas experience flooding. These are only some of the symptoms of a serious and growing global phenomenon: climate change. This environmental crisis puts the lives of millions at risk, hitting the poor countries hardest. In response to the call for environmental awareness, GMA Public Affairs produced Signos (Fatal Signs). Narrated by Greenpeace advocate Richard Gutierrez, Signos brings the concept of climate change closer to home through a nationwide investigation of its manifestations. Sine Totoo presents the reports of Howie Severino and Raffy Tima as they travel to different parts of the country to prove that the impact of climate change reaches far beyond the glaciers of the Polar Regions. Severino visits Bicol, where intensifying typhoons wiped out an entire town and changed the province's landscape. In El Nido, Palawan, Tima ventures underwater to investigate a phenomenon called coral bleaching. He also visits Artex Compound in Malabon - a community that is permanently flooded. To provide the most in-depth report, Signos brings together scientists from local and international institutions, including Filipino NASA Senior Research Scientist Dr. Josefino Comiso, experts from the International Rice Research Institute (IRRI), Marine Science Institute, Greenpeace, and World Wide Fund for Nature (WWF), and other climate change experts. In this Sine Totoo rerun, Severino, who is also one of the hosts of Signos, discusses the production team's key efforts in making this documentary both comprehensive and interesting to the general viewer. The groundbreaking "Signos: Banta ng Nagbabagong Klima" airs this Saturday, October 25 on Sine Totoo.
Ang "Signos: Banta ng Nagbabagong Klima" - ang kauna-unahang dokumentaryo sa Philippine television tungkol sa nagbabagong klima o climate change - ay mapapanood muli ngayong Sabado sa Sine Totoo. Ang global warming ay ang pinakaseryosong banta na hinaharap ng mundo ngayon. Ramdam na pati sa Pilipinas ang mga nakababahalang palatandaan nito. Nararanasan ang tagtuyot sa panahon ng tag-ulan; dumarating ang bagyo kahit tag-init. Tumataas na rin ang tubig-dagat na sanhi ng pagbabaha sa iba't-ibang lugar. Ilan lang ang mga ito sa senyales ng lumalalang pandaigdigang pangyayari: ang nagbabagong klima o climate change. Dahil dito, nalalagay sa peligro ang buhay ng milyun-milyong sangkatauhan, at ang pinakaapektado ay ang mga nakatira sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Bilang tugon sa panawagan para sa mas malawakang kaalaman tungkol sa isyung ito, ginawa ng GMA Public Affairs ang "Signos". Sa pagsasalaysay ni Richard Gutierrez, isang Greenpeace advocate, ilalapit ng Signos ang isyu ng climate change sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng ganitong mga pangyayari sa buong kapuluan. Sa muling pagtatanghal ng Sine Totoo sa Signos, mapapanood ang mga ulat ni Howie Severino at Raffy Tima mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Bumisita si Severino sa Bicol, kung saan nabura ang isang buong bayan at naiba ang landscape ng probinsiya ng lumalakas na mga bagyo. Sumisid naman si Raffy Tima sa El Nido, Palawan upang tingnan ang sinasabing coral bleaching sa lugar. Binisita rin niya ang Artex Compound sa Malabon - isang lugar na may permanenteng baha. Pinagsama-sama rin ng Signos ang ilang local scientists, pati na si NASA Senior Research Scientist Dr. Josefino Comiso. Makakasama niya ang mga dalubhasa mula sa ilang institusyon tulad ng International Rice Research Insititute (IRRI), Marine Science Institute (MSI), Greenpeace, at World Wide Fund for Nature (WWF), at ilan pang eksperto sa climate change. Sa pagtatanghal na ito ng Sine Totoo, ipaliliwanag din ni Severino, na isa rin sa mga host ng Signos, ang mga pangunahing elementong binigyang-pansin ng production team ng dokumentaryo para gawin itong malaman at interesante sa mga manonood. Mapapanood ang "Signos: Banta ng Nagbabagong Klima" ngayong Sabado, ika-25 ng Oktubre sa Sine Totoo.
Ang "Signos: Banta ng Nagbabagong Klima" - ang kauna-unahang dokumentaryo sa Philippine television tungkol sa nagbabagong klima o climate change - ay mapapanood muli ngayong Sabado sa Sine Totoo.
Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular