Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sine Totoo presents "Gapos"


Episode on September 13, 2008 Saturday, 11:30 p.m. Over 800,000 Filipinos are estimated to be mentally ill. But their problems are mostly left unaddressed due to the lack of medicine, food and professionals in government mental health centers. Families, especially in remote provinces, are forced to create little "mental hospitals" inside their own homes. Multi-awarded broadcast journalist Kara David visits these homemade facilities in her documentary "Gapos", airing this Saturday on Sine Totoo. In one province in the Visayas, Kara meets six different "patients". Among them, Teng has been tied up the longest. He has been chained around the waist for more than twelve years because of his history of violence. In a neighboring barangay, Dodong is strapped to a little hut behind the main house, also because of violent tendencies. Geraldine, in her normal frame of mind, is allowed to take care of her nine younger siblings. But when she gets an attack, she too must be tied up. Maricris and her uncle are both mentally ill and kept locked inside little huts so they don't wander off. An interview with Kara David and cameraman Disney Carreon by Sine Totoo host Howie Severino airs before this feature. They discuss the challenges in producing a documentary about the mentally-ill - who are largely stigmatized in our society. This year, "Gapos" was awarded a Certificate for Creative Excellence at the US International Film and Video Festival. The documentary airs again this Saturday night on Sine Totoo.
Mahigit 800,000 katao sa buong Pilipinas ang tinatayang may problema sa pag-iisip. Dahil sa kakulangan sa gamot, pagkain, at mga propesyonal sa pasilidad ng gobyerno, napababayaan ang kanilang kondisyon. Ang nagiging solusyon ng maraming pamilya, gumawa na lang ng "mental hospital" sa loob ng sarili nilang tahanan. Binisita ng multi-awarded na mamamahayag na si Kara David ang mga tahanang ito sa dokumentaryong "Gapos", na tampok ngayong Sabado sa Sine Totoo. Sa isang probinsya sa Visayas, kung saan wala raw ni isang psychiatrist, nakilala ni Kara ang anim na pasyente. Labindalawang taon nang nakakadena si Teng. Itinali siya ng kanyang mga magulang dahil nananakit daw ito ng mga bata. Sa kabilang barangay naman, natagpuan ni Kara si Dodong, na nabaliw noong nasa kolehiyo siya sa 'di pa matukoy na dahilan. Nakakadena siya sa loob ng isang maliit na kubo sa kanilang likod-bahay. Si Geraldine, minana ang kanyang sakit sa ina. Kapag nasa katinuan, tinatanggal siya sa pagkakatali upang mag-alaga sa siyam niyang nakababatang kapatid. Nasa dugo rin ng pamilya ni Mariciris ang pagkasira ng isip. Siya at ang kanyang tiyuhin ngayon, parehong nakakulong sa kani-kanilang mga kubo. Nakapanayam ni Howie Severino ng Sine Totoo sina Kara David at cameraman niyang si Disney Carreon. Tinalakay nila kung paano'ng gawin ang isang dokumentaryo tungkol sa mga taong hanggang ngayo'y itinuturing na kahihiyan ng marami sa lipunan. Nagwagi ng Certificate for Creative Excellence ang "Gapos" sa US International Film and Video Festival ngayong taon. Muli itong mapapanood sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi.
Tags: sinetotoo