Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sine Totoo presents


Episode on August 23, 2008 Saturday, 11:30 p.m. In the mountains of Agusan del Sur, entire communities make a living off illegal logging. The adults cut down trees while some of their children carry the logs down the mountainside. Some as young as six years old do this back-breaking work, trekking up to four hours a day to bring logs down to the valley, where eager buyers await. Jay Taruc documents these children as they carry logs even in the rain. Jay takes a fall along with them down the mountainside during one rainy day of work. Richard, Carlo, and Randy make up the group of young boys he follows as they transport logs on their backs, attempting to balance their heavy responsibilities with their need for play. There is one child among them, however, who is all business, working faster than all the rest. Cherilyn, at 14, acts as both father and mother to her five younger siblings. She is the family's sole breadwinner. as her father was imprisoned for murder and her mother suffers from a mental illness. She carries her burden without complaint, no matter how heavy the logs get. Sine Totoo host Howie Severino discusses the production of the documentary with Jay Taruc's executive producer Lea Llamoso and long-time cameraman Jayson Cruz. They share how they endured not only the physical difficulties of the shoot, but also the pain of seeing these children suffer. "Batang Kalabaw" won a Certificate for Creative Excellence at the 2008 US International Film and Video Festival and became a Finalist at the 2008 La Sallian Scholarum Awards. It airs again this Saturday late night only on Sine Totoo.

Mapapanood sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi ang 'di malilimutang dokumentaryo ni Jay Taruc tungkol sa mga "Batang Kalabaw". Sa gitna ng kabundukan ng Agusan del Sur, matatagpuan ang ilang komunidad na nabubuhay sa ilegal na pagtotroso. Habang nagpuputol ng puno ang mga matatanda, nagbubuhat naman ang mga kabataan ng mga putol na torso. Sinundan ni Jay ang mga itinuturing na batang kalabaw habang sila ay nagbubuhat... maging sa gitna ng matinding buhos ng ulan. Sa hirap ng paglalakad sa maputik na daan pababa ng bundok, maging si Jay ay nadulas, kahit na isang maliit na camera lang ang kanyang dala. Sina Carlo, Richard, at Randy ay umaakyat araw-araw sa tuktok ng bundok. Binubuhat nila ang mga putol na kahoy at binabaybay ang halos apat na oras pababa kapalit ang kaunting barya. Tinatahak nila ang maputik at mabatong daan pababa sa kapatagan - pilit na binabalanse ang pagiging bata sa responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat. Pero isang bata ang kakaiba sa kanilang lahat. Siya si Cherily, 14 na taong gulang, na mag-isang bumubuhay sa limang mas nakababatang kapatid. Nakulong ang kanyang ama sa salang pagpatay habang ang kanya namang ina ay nawala na sa sariling katinuan. Tinitiis niya ang mabigat na trabaho alang-alang sa kanyang mga kapatid. Para talakayin ang proseso ng paggawa ng dokumentaryong ito, kinapanayam ni Howie Severino ng Sine Totoo ang mga kasamahan ni Jay Taruc sa I-Witness - ang executive producer na si Lea Llamoso at ang cameraman na si Jayson Cruz. Ibinahagi nila na bukod sa matinding hamon sa kanilang pisikal na lakas ang paggawa ng dokyung ito, matindi rin ang sakit na naramadaman nila habang nakikita ang pasaning matagal nang dinadala ng mga bata roon. Pinarangalan ng Certificate for Creative Excellence sa 2008 US International Film and Video Festival at naging Finalist sa 2008 La Sallian Scholarum Awards ang "Batang Kalabaw". Muli itong mapapanood sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi.
Tags: sinetotoo