Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sine Totoo presents Kapuso Mo, Jessica Soho


Episode on August 9, 2008 Saturday, 11:30 p.m. The Silver Screen Medal winning episode of Kapuso Mo, Jessica Soho at the US International Film and Video Festival airs this Saturday night on Sine Totoo. Jessica Soho and her KMJS team probe the minds of college students who willingly submit themselves to hazing to become bona fide frat members. Grace, a senior, joins a confraternity... and puts her life on the line for it. Video of Grace's shocking initiation, taken by the confraternity's members, shows Grace crying and screaming as she endures repeated slaps, kicks and blows from a paddle. Despite heavy bruises afterwards, Grace says has no regrets, as she had to prove her worthiness to be part of the brotherhood. The award-winning episode also includes a story on scallop divers who risk their lives diving up to a depth of 80 feet to harvest the precious seashells. There is also a segment on the butaan, a lizard endemic to the Philippines and now an endangered species. Sine Totoo host Howie Severino, interviews Jessica Soho and her executive producer LJ Castel. LJ shares how he has admired Jessica's work in broadcasting since he was little. As one of the country's most awarded journalists, Jessica continues to be an inspiration to aspiring media practitioners. Besides the Silver Screen Award, this episode was also a Finalist at the 2008 New York Festivals and the 2007 Asian Television Awards.

Mapapanood sa Sine Totoo ngayong Sabado ang tatlong storya ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na pinarangalan sa magkakaibang patimpalak sa labas ng bansa. Kasama ang kanyang KMJS team, inalam ni Jessica Soho kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga kabataang handang dumaan sa hazing sa ngalan ng kapatiran. Sa isang video ng aktwal na hazing, makikita ang matinding pag-iyak at pagsigaw ng aplikante sa frat na si Grace habang siya'y hinahampas ng paddle, tinatadyakan, at sinasampal. Punong-puno man ng pasa ang halos buong katawan, pinaninindigan pa rin ni Grace na kinailangan niyang mahirapan para mas mahalin niya ang kanyang sinasalihan. Sa iba namang kuwento, nakilala ng KMJS ang mga maninisid ng scallops o tikab - isang uri ng kabibe na inihahain sa mga mamahaling restaurant. Para makakuha ng mga tikab, bumababa ang mga maninisid ng hanggang 80 talampakan. Sumama rin ang KMJS sa isang dayuhang biologist sa mga kagubatang tinitirhan ng mga butaan - isang uri ng bayawak na sa Pilipinas lang makikita. Sa panayam ni Howie Severino ng Sine Totoo, ikinuwento ng executive producer ng Kapuso Mo, Jessica Soho na si LJ Castel na mula pa noong bata siya ay hinahangaan na niya ang mga ulat ni Jessica. Bilang isa sa mga mamamahayag na nagkamit ng pinakamaraming parangal sa bansa, patuloy na nagiging inspirasyon si Jessica ng mga nais ding pumasok sa industriya ng broadcasting. Ang mga storyang ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay nanalo ng Silver Screen Award sa 2008 US International Film and Video Festival, at naging Finalist sa 2008 New York Festivals at 2007 Asian Television Awards. Panooring muli ang mga ito ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.
Tags: sinetotoo, kmjs