Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents Education Special
Episode on June 28, 2008 Saturday, 11:15 PM Reporter’s Notebook’s award-winning Education Special airs this Saturday night on Sine Totoo. Public schools are tasked to provide free education. But reporter Tina Panganiban-Perez documents schools that require parents to pay special fees every schoolyear. Although these are supposedly voluntary, report cards and exam results are not released without payment. This forces students from very impoverished families to drop out. Children in the ARMM region already have the highest elementary school dropout rate. In addition, reporter Maki Pulido interviews Muslim girls who experience discrimination in their classes. They share that fellow students would tag them as Abu Sayyaf and make fun of them for wearing the hijab or veil. One teacher even threatened to drag a girl by the hair to the guidance office if she did not remove her hijab. 
Sine Totoo host Howie Severino interviews veteran reporter Tina Panganiban-Perez regarding the issues that push education further away from the reach of the poor. Has education become more of a privilege than a right in our country? Find out on Reporter’s Notebook’s Education Special, a Finalist at the 2007 UNICEF Asia Pacific Child Rights Awards, airing this Saturday night on Sine Totoo.
Kasabay ng tumataas na halaga ng edukasyon, natuklasan ng Reporter’s Notebook ang iba pang isyung dumaragdag sa pasanin ng mga magulang at mag-aaral. Ngayong Sabado, mapapanood sa Sine Totoo ang Education Special ng Reporter’s Notebook. Libre dapat ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Pero natuklasan ni Tina Panganiban-Perez na may mga eskwelahang naniningil ng mga ‘voluntary fees’ bago tanggapin ang mga batang nais mag-aral. Dahil dito, napipilitan ang ibang mga bata na magdropout na lang sa paaralan. Nakilala naman ni Maki Pulido ang ilang mga batang Muslim na nakaranas ng diskriminasyon habang sila ay nag-aaral sa mga regular na eskwelahan. Madalas kutyain ang mga babae dahil sa suot nilang hijab o talukbong at minsa’y tinatawag pa silang Abu Sayyaf ng kanilang mga kamag-aaral. Isa pa nga sa kanila ang pinagbantaang sasabunutan at dadalhin sa guidance office ng kanyang guro kapag hindi niya tinanggal ang kanyang belo. Sa isang panayam, ibabahagi ng beteranong reporter na si Tina Panganiban-Perez kay Howie Severino ng Sine Totoo ang kanyang pananaw ukol sa mga isyung matagal nang nagpapalala sa sistema ng edukasyon sa bansa. Karapatan nga ba o nagiging pribilehiyo na ang edukasyon sa Pilipinas? Muling tingnan ang mga isyung ito sa espesyal na episode ng Reporter’s Notebook na Finalist sa UN Asia Pacific Child Rights Awards ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.

More Videos
Most Popular