Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sine Totoo presents The Carabao


Episode on June 21, 2008 Saturday, 11:15 PM Another US Intl. Film and Video Festival award-winner airs this Saturday night on Sine Totoo. Discover the most unlikely facts about the carabao - considered by many as the Filipino’s most iconic animal - in the 100% Pinoy episode “Kalabaw". This episode was recently awarded a Certificate for Creative Excellence at the US International Film and Video Festival held this June in Los Angeles. 100% Pinoy finds unique carabaos – from one who gave birth to twins, a rare occurrence among these animals, to one whose face resembles a human’s! At the Philippine Carabao Center in Nueva Ecija, scientists are developing technology to breed carabaos capable of yielding high-quality cara-beef and milk and our very own version of carabao mozzarella cheese. 100% Pinoy also documents parts of the country where cara-beef is used in the most cherished local dishes. Rambogis, a dish made of carabao genitals, is said to be a particular favorite among menfolk because of its aphrodisiac qualities . Sine Totoo host Howie Severino interviews former 100% Pinoy host Pia Arcangel and one of the episode’s segment producers Erick Mabini. They talk about the program’s efforts to increase viewers’ awareness of Filipino culture. sine_totoo_100_piaeric 100% Pinoy’s “Kalabaw" airs this Saturday night on Sine Totoo.
Isa pang award-winner sa katatapos lang na US International Film and Video Festival ang mapapanood sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi. Tuklasin ang mga nakatutuwang kwento tungkol sa isang hayop na Pinoy na Pinoy … ang kalabaw, sa episode ng 100% Pinoy na pinarangalan ng Certificate for Creative Excellence kamakailan lang sa Amerika. Natagpuan ng 100% Pinoy ang ilan sa mga kakaibang kalabaw – mula sa isang nanganak ng kambal, hanggang sa isang mukhang tao! Gumagamit naman ng mga makabagong teknolohiya ang Philippine Carabao Center sa Nueva Ecija sa pagpaparami ng mga uri ng kalabaw na magbibigay ng de-kalidad na karne, gatas at keso. Binisita rin ng 100% Pinoy ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas kung saan ginagamit ang karne, kasama na ang ari, ng kalabaw sa mga espesyal putahe. Nakapanayam ni Howie Severino ng Sine Totoo sina Pia Arcangel, dating host ng 100% Pinoy, at si Erick Mabini, isa sa mga producer ng episode. Tinalakay nila ang misyon ng programa na buhayin sa mga manonood ang kulturang Pilipino. Mapapanood ang “Kalabaw" ng 100% Pinoy ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.
Tags: sinetotoo