Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Living Treasures of the Philippines


Episode on June 12, 2008 Thursday night, after Saksi 100% Pinoy celebrates Independence Day this year with a special tribute to the Living Treasures of the Philippines! Host Miriam Quiambao, with guest host Howie Severino, meets three of the eleven Gawad Manlilikha ng Bayan or GAMABA awardees who represent Filipino's diverse heritage and rich culture. The "Manlilikha ng Bayan" or National Living Treasures are Filipinos whose skills have reached a high level of technical and artistic excellence in their craft while continuing to preserve their skills by passing them on to the present generation.
mindanao shoot 018
Guest host and documentarist Howie Severino travels to territory in Maguindanao controlled by the Moro Islamic Liberation Front or MILF in search of the ancient sound of the kudyapi. He meets kudyapi master Samaon Sulaiman, a "Jimi Hendrix of kudyapi" who plays the two tender strings of the instrument like a modern rock star, even behind his back or above his head! Also a local imam or a Muslim holy man, Sulaiman tells Howie that playing the kudyapi gave him peace of mind after bathing and burying bloodied casualties of the war between the government and the MILF. Howie also meets Samaon's blind protégée, Ismael Achmad, who describes the sound of kudyapi as "music from paradise."
mindanao shoot 036
Meanwhile, host Miriam Quiambao learns the secrets of tinalak cloth weaving from Lang Dulay, an 83-year old weaver from the T-Boli tribe in South Cotabato. The tinalak is the traditional cloth of the indigenous group, whose designs come from the dreams of the weavers. The cloth is also shrouded with numerous beliefs, like it could cause sickness to people if it is not folded properly. Miriam also travels to Apalit in Pampanga to meet Eduardo Mutuc, the silversmith GAMABA awardee. She joins Mutuc in visiting a small church in Fairview, where he was commissioned by the parish priest 15 years ago to create the church's altar. Celebrate Pinoy art and creativity with Howie Severino and Miriam Quiambao in 100% Pinoy, airing this Thursday after the latenight newscast Saksi.
Ngayong Huwebes, isang espesyal na episode ang handog sa inyo ng 100% Pinoy para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Kasama sina Miriam Quiambao at guest host na si Howie Severino, kikilalanin natin ang mga tinaguriang “Living Treasures" ng ating bayan, mga alagad ng sining na patuloy na nagpapayabong sa ating kultura at pagkakakilalanlan bilang isang lahi. Mula sa South Cotabato, makikilala nila Howie at Miriam ang master weaver ng T’boli na si Lang Dulay sa South Cotabato, at maririnig ang maalamat na tunog ng kudyapi mula sa Maguindanao kay Samaon Solaiman. Makikilala rin nila si Eduardo Mutuc, ang sikat na platero ng pilak mula sa bayan ng Apalit, Pampanga. Tatlo sila sa labing-isang Pilipino na tumanggap ng Gawad Manliliha ng Bayan o GAMABA, mga taong nagpataas ng antas at kalidad ng mga tradisyunal nating sining, tulad ng musika, paghahabi at pagpapanday ng pilak. Papasukin ni Howie Severino ang teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Maguindanao para mapakinggan ang himig ng kudyapi sa pagtugtog ni Samaon Solaiman, ang tinaguriang “Jimi Hendrix ng Kudyapi." Sa murang edad na trese, natutunan ni Samaon ang pagtugtog ng kudyapi at ngayo’y itinuturing nang isang eksperto sa instrumentong ito. Makikilala rin ni Howie ang protégé ni Samaon na si Ismail Achmad, na sa kabila ng kanyang kapansanan ay nakagagawa ng musikang mala-paraiso ang himig. Samantala, malalaman ni Miriam Quiambao ang sikreto ni Lang Dulay, ang pinakamagaling na naghahabi ng tinalak, o tradisyunal na tela ng mga T-boli sa South Cotabato. Tinatawag rin ang mga tulad ni Lang Dulay na mga “dream weavers," dahil nabubuo mula sa kanilang mga panaginip ang mga disenyong inilalagay nila sa tinalak. Makikilala rin ni Miriam si Eduardo Mutuc, isang platero o nagpapanday ng pilak as Apalit, Pampanga. Makikita ni Miriam kung paano hinihubog ni Mutuc ang kanyang obra maestra at sasamahan ito papunta sa isang simbahan sa Fairview para bisitahin ang isa sa mga una niyang nilikha bago siya magawaran ng GAMABA. Dito niya malalaman sa unang pagkakataon na may malalang sakit ang paring nagtiwala sa kanya bago pa man siya sumikat. Ipagdiwang ang gawang Pinoy at pagyabungin ang sining at kultura ng Pilipinas sa 100% Pinoy kasama sina Miriam Quiambao at Howie Severino, ngayong Huwebes ng hatinggabi pagkatapos ng Saksi.