17-anyos na TikToker na may lumalaking bukol sa bibig, itatampok sa Brigada!
BRIGADA
Episode for May 28, 2022
PANGARAP NI DANIELA
Lubos ang pananabik ng dalagang si Daniela para sa buwan ng Hulyo. Sa panahong ito rin kasi niya ipagdiriwang ang ika-18 taon niyang kaarawan, at matutupad daw ang kanyang pangarap sa araw na ito kung makakamit niya ang kanyang inaasam -- ang sumailalim sa operasyon para maipatanggal ang lumalaking bukol sa kanyang bibig. Bagamat hindi banta sa kanyang buhay, kinakailangan daw itong maoperahan sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, patuloy itong lalaki at maaaring magdulot ng hirap sa pang-araw-araw niyang buhay tulad ng pagkain at pagsasalita. Pinatunayan ni Daniela kay Mav Gonzales na sa kabila ng pagkakaroon ng mahirap na kondisyon, mas makabubuti pa rin kung mananatiling positibo ang pananaw sa buhay.
Daniela is extremely excited for the month of July, for this is also the time when she will celebrate her 18th birthday. Her ultimate birthday wish is to undergo surgery and remove the growing lump in her mouth. Otherwise, it will continue to grow and may cause difficulties in her daily life such as eating and speaking.
Daniela proved to Mav Gonzales that despite having this condition, it is still better to have a positive outlook in life.
Kahit pa matatagpuan sa tabi ng dambuhalang dam, salat sa supply ng tubig ang Brgy, San Mateo sa Norzagaray sa Bulacan. Sa katunayan, sa kagustuhang makatipid sa tubig, saktong pinagsasabay na lang ng mga residente ang paglalaba ng damit at paliligo ng kanilang mga anak sa kalapit na Bit-bit River. May ilang kabahayan namang ang mga pinagkainan sa almusal, bandang hapon na mahuhugasan para isahang igiban na lang. Ganito ang realidad sa maraming komunidad sa ating bansa kung saan kapos sa sapat at malinis na supply ng tubig, na kung minsan ay humahantong pa sa pagkamatay ng ilan. Siniyasat ni Bam Alegre ang isyu ng kawalan ng tubig sa ilang lugar dito sa Pilipinas.
Despite being located next to a huge dam, Brgy, San Mateo in Norzagaray in Bulacan is short of water supply. In an effort to save water, residents wash their clothes and bathe their children at the same time in the nearby Bit-bit River. Some households, on the other hand, gather their plates and utensils from their morning and noontime meals and just wash them in the afternoon. This is the reality in many communities in our country where there is a lack of adequate and clean water supply, which can sometimes lead to death. Bam Alegre investigates the issue of water scarcity in some areas here in the Philippines.
FLEX KO LANG!
Kung mapapanood mo ang online videos ng mga Tiktoker na sina Arman at Edrian, malamang mapapatanong ka, “Nasaan ang mga buto nila?” Si Arman kasi, kayang ibaluktot ang kanyang binti sa kanyang ulo saka bubuhatin ang kanyang katawan patiwarik! Si Edrian naman, 'di pangkaraniwang dance moves ang nagagawa dahil pati lalamunan niya'y kayang umindak! Ilan lang sila sa mga taong mala-lastiko ang katawan na ngayon ay kinagigiliwan online. Inalam ni Kara David kung saan nga ba nagmula ang kakaibang kakayanan nina Arman at Edrian.
If you watch the online videos of Tiktoker Arman and Edrian, you will probably ask, “Are their ribs okay?” Arman can bend his legs over his head and lift his body upside down! Edrian, on the other hand, can do unusual routines because even his throat can move! They are just a few of the flexible people who are now making buzz online. Kara David finds out where Arman and Edrian's unique abilities come from.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.